Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/23

Tagalog News: Libre na ang pagpasok ng mga Palaweño sa Tubbataha National Marine Park

Manila (23 September) -- Inanunsiyo ni Gob. Baham Mitra kamakailan na inaprubahan ng Tubbataha Park Management Board (TPAMB) ang kanyang panukala na alisin na ang paniningil ng conservation fee sa mga lokal na residente ng Palawan na nais bumisita sa parke.

Ang panukalang ito ni Gob. Mitra ay lubusan namang sinangyunan ng board sa kanilang pulong noong ika-11 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Umaasa si Gob. Mitra na sa pamamagitan ng insiyatibong ito ay higit na tataas ang bilang ng mga Palaweño na pupunta sa Tubbataha upang makita at maranasan ang kagandahan ng natatanging likas na yaman ng Palawan na isang World Heritage Site.

Ayon kay Deputy Park Manager Dr. Terry Aquino, ang Executive Committee ng TPAMB ay inatasang maghanda ng kaukulang alituntunin o implementing rules and regulations upang matiyak na ang pribiliheyong ito ay matatamo ng mga lehitimo at tunay na residente ng Palawan.

Nilinaw ni Dr. Aquino na masusing pinaguusapan ng Execom ang paggawa ng guidelines. Nais ng Execom na masiguro na mga tunay na residente ng Palawan ang makikinabang sa pribilehiyo. Pinaguusapan pa kung anong uri ng dokumento ang kailangang ipakita ng mga lokal na residente ng Palawan upang mabigyan ng pahintulot na pumunta sa Tubbataha na wala nang babayaran na entrance fee o conservation fee.

Hindi kasama sa pribilehiyo ang pinapataw na bayarin sa pampasaherong banca na gagamitin sa pagpunta sa Tubbataha. Batay sa alituntunin ng Marina at Philippine Coastguard ay hindi puedeng gamitin ang fishing boat sa pagpunta sa Tubbataha.

"Tanging passenger boat lamang ang puedeng gamitin sa pagpunta sa Tubbataha at may limitasyon din ang bilang ng pasahero nito," dagdag ni Dr. Aquino. Ang patakarang ito ay para na rin sa kaligtasan ng mga maglalakbay patungong Tubbataha na matatagpuan sa bisinidad ng karagatan na sakop ng munisipyo ng Cagayancillo. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy nakipagpulong sa Pangulo ng Vietnam
»Tagalog News: UST patuloy na iniimbitahan ang publiko sa kanilang Lumina Pandit exhibit
»4Ps: An answered prayer
»Davao Norte guv ready for PNoy's marching orders
»Aquino's visit reunites Davao Norte leaders
»Mati domestic airport to re-operate soon
»Davao Oriental farmers receive production enhancement assistance in organic farming
»Davao to establish food exchange complex in 3 years
»Davao military official suggests livelihood, education for IPs
»Tagalog News: POEA gagamitin mga LGU vs illegal recruitment
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines