Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/24

Tagalog News: Setyembre 28, non-working holiday sa Pampanga

San Fernando City, Pampanga (24 September) -- Idineklara ng Malakanyang bilang non-working holiday sa lalawigan ng Pampanga ang Setyembre 28, 2010 bilang paggunita sa ika-100 taong anibersaryo ng kapanganakan ni dating Pangulong Diosdado P. Macapagal.

Ang naturang proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr, sa kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III, noong nakaraang lunes, Setyembre 20, 2010 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Pampanga na ipagdiwang ang okasyon at makapagdaos ng kaukulang mga seremonya ukol dito.

Maituturing si dating Pangulong Diosdado Macapagal na isang haligi ng pulitika sa bansa dahil sa mga programa at proyektong naisakatuparan nito noong siya ay nanungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas noong 1961 hanggang 1965. Pinakaprominente sa mga naging programa ng kanyang panunungkulan ang Land Reform Code noong 1963.

Bago siya naging Pangulo, humawak muna ng samu?t saring posisyon sa pamahalaan si Diosdado Macapagal na lalong nagpahasa sa kanyang kaalaman at kakayanan sa pamamahala.

Nagsilbi siya bilang legal assistant ng Pangulo noong 1941; pinamunuan niya ang legal department ng Department of Foreign Affairs noong 1946; naging chief negotiator siya para sa paglilipat ng Turtle islands mula sa United Kingdom papunta sa Pilipinas at Second Secretary ng Philippine Embassy sa Washington DC noong 1948; naging counsellor on legal affairs and treaties ito noong 1949.

Nagsimula ang kanyang karera sa pulitika bilang kinatawan ng unang distrito ng Pampanga noong 1949; muling nailuklok bilang kongresista noong 1953; at naging bise presidente ng bansa mula 1957 hanggang 1961 na lalong nagpasigla sa kanyang buhay pulitika.

Pumanaw si Pangulong Diosdado Macapagal noong Abril 21, 1997. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy magbibigay ng talumpati sa UN General Assembly ngayong araw
»Tagalog News: Nationwide gun ban muling ipatutupad simula bukas
»Philhealth to release health cards to 46,000 indigents
»DOST bares agenda under PNoy
»Sambuokan Festival turns 10
»Davao Oriental vice-gov pushes for blood separator to aid dengue patients
»Four LGUs learn from Tagum's best practices on economic enterprises
»Davao Light turns over new library hub building
»Cebuano News: VP Binay guest of honor sa 2nd USWAG GK Partners Forum
»Cebuano News: Espirituhanong bahin sa pamilya gihataga'g dakong importansiya ni Gov. Uy pinaagi sa BFDP
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines