Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/24

Tagalog News: Misa para sa mga biktima ni Ondoy sa Lunes

Makati City (24 September) -- Isang Misa ang idaraos sa lungsod sa Lunes, Setyembre 27, kasabay ng inagurasyon ng isang palatandaan o marker bilang bahagi ng paggunita sa trahedyang dinulot ng bagyong Ondoy pati na rin sa kabayanihang ipinamalas ng ilan nating kababayan sa harap ng matinding sakuna.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na siyang nag-organisa sa naturang pagtitipon, pamumunuan ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang Misa na tinawag na "Ondoy 1 A.D. (After Disaster)," sa ganap na 8:30 ng umaga.

Ani MMDA chairman Francis Tolentino, "it?s just proper to give our respects to the casualties and express our gratitude to those who provided selfless assistance during those trying times. They prove that Bayanihan still exists in our country."

Idinagdag pa ni Tolentino na gugunitain din ang daan-daang namatay sa kalamidad at bibigyang parangal ang mga magigiting na volunteers na tumulong sa kasagsagan at pagkatapos ng trahedya.

Kasunod naman ng Misa ang isang audio-visual presentation na ipapakita ang matinding pinsalang idinulot ni Ondoy sa Kamaynilaan at mga karatig probinsya isang taon na ang nakararaan.

Kaugnay nito, isang palatandaan ang ikakabit sa tanggapan ng MMDA upang magsilbing paalala sa kabayanihan ng mga Pilipino sa harap ng malalaking krisis.

Kabilang din mga inaasahang dadalo upang magkwento ng kanilang mga karanasan kay Ondoy ay sina dating MMDA chairman Bayani Fernando, ang asawa nito at dating Marikina City Mayor Marides Fernando, sina Mayor Aldrin San Pedro ng Muntinlupa, Robert Eusebio ng Pasig, Del de Guzman ng Marikina, at Jaime Medina ng Pateros.

Bukod pa rito, nananawagan din si Tolentino sa sinumang may kuha ng larawang may kinalaman sa bagyong Ondoy na ipadala sa kanilang email address na email@mmda.gov.ph upang maisama sa idaraos na isang linggong photo exhibit sa kanilang tanggapan. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy magbibigay ng talumpati sa UN General Assembly ngayong araw
»Tagalog News: Nationwide gun ban muling ipatutupad simula bukas
»Philhealth to release health cards to 46,000 indigents
»DOST bares agenda under PNoy
»Sambuokan Festival turns 10
»Davao Oriental vice-gov pushes for blood separator to aid dengue patients
»Four LGUs learn from Tagum's best practices on economic enterprises
»Davao Light turns over new library hub building
»Cebuano News: VP Binay guest of honor sa 2nd USWAG GK Partners Forum
»Cebuano News: Espirituhanong bahin sa pamilya gihataga'g dakong importansiya ni Gov. Uy pinaagi sa BFDP
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines