Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/29

Tagalog News: Philhealth, ipinapa-alala ang mga dokumentong kailangan dalhin sa registration day

by Carlo P. Gonzaga

Calamba City (29 September) -- Ipinapa-alala ng Philhealth sa mga magre-rehistro sa Sabado ang mga dokumentong kailangang dalhin tulad ng isang valid identification card o ID a P300.00 pambayad sa isang quarter na hulog sa kontribusyon.

Gayundin, kailangang magdala ng birth certificate, marriage contract, at senior citizen's ID ng magulang kung nais magdeklara ng miyembro ng kwalipikadong makikinabang.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng PhilHealth at Department of Health (DOH) ang lahat ng Filipino na hindi pa miyembro ng PhilHealth na magpa-rehistro sa Sabado, Oktubre 2, 2010 na may temang "PhilHealth Sabado, Mag-seguro, Mag-parehistro".

Ang isang araw na pagre-rehistro ay naglalayong mabigyan ang lahat ng mga Filipino ng proteksyong pinansyal para sa kanilang pagpapa-ospital.

Lahat ng regional at service offices ng PhilHealth, kasama ang centers of health development (CHD) ng DOH at retained hospitals ng DOH sa buong bansa ang magiging daan para sa araw ng rehistro.

Ang mga kinatawan ng PhilHealth ang tutulong sa proseso ng pagpa-rehistro. Bibigyan ng Philhealth Number Card (PNC) ang mga indigent families na kabilang sa National Household Targeting System (NHTS) ng Department of Social and Welfare Development (DSWD).

May 2O milyong miyembro na ang PhilHealth sa kasalukyan kung saan ang 3.42 milyon ay miyembro sa ilalim ng Individually Paying Program (IPP).

Samantala, pinapaalalahanan ng Philhealth ang lahat ng Accredited Collecting Agents (ACAs) na huwag ng gumamit ng PhilHealth Premium Payment Slip o PPPS bilang official receipt ng premium payments.

Ang PPPS ay isang payment slip at hindi ito accountable form. Ang bar code sa kanang ibabang bahagi ng PPPS ang magsisilbing pagkakakilanlan at hindi gagamiting reference code/number. Kung kaya't hinihikayat ang lahat ng ACAs na gamitin at i-validate ang prescribed official receipt ayon sa nakasaad sa napagkasunduan.

Maaaring tumawag sa Accreditation Division ng Treasury Department sa (02) 634-0239 o 687-1442 para sa iba pang mga katanungan ukol sa official receipt na ibibigay ng ACAs. (PIA Calabarzon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Regional finals ng 4Ps jingle making contest ng DSWD gaganapin ngayong araw
»Tagalog News: Official Gazette patuloy na inaanyayahan ang mga Pinoy amateur at professional photographers na magsumite ng larawan
»Statement: No reason for conflict
»Sarangani arms tanks, troops with books
»Tagum mayor Uy addresses workforce on city foundation day
»Feature: Enercon tips on using refrigerators
»Cebuano News: Panabo mipalit ug truck aron iabag sa mga mag-uuma
»Hiligaynon News: 26 ka Grade 6 pupils magapasakop sa paindis-indis sa poster making kontra gutom
»Cebuano News: Comelec nagtugot ni Presidente Aquino nga mohimo ug bag-o nga appointments alang sa mga gipili nga katungdanan
»Caraga police ready for coming barangay, SK elections
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines