Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 26 August 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/29

Tagalog News: DOH IV-A bumuo ng task force para sa Nationwide Philhealth Registration Day

by Lito M. Giron

Lucena City (29 September) -- Puspusan ang isinasagawang kampanya ng PhilHealth at Department of Health (DOH) upang maabot ang mahigit na 8,000 mahihirap na pamilya sa Quezon na pagkakalooban ng PhilHealth cards sa ilalim ng programang Nationwide PhilHealth Registration Day (NPRD) na isasagawa sa Oktubre 2, 2010.

Ang NPRD ay isa sa mga programa ni Pangulong Benigno S. Aquino III upang mabigyan ng serbisyong pangkalusugan ang lahat ng mahihirap na Pilipino at magkaroon sila ng health insurance sa pamamagitan ng pagpapa-enrol sa PhilHealth.

Sa isang pagpupulong na pinangunahan ni DOH IV-A Regional Director Dr. Juanito Taleon, binuo ang provincial task force na tututok sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa NPRD na binubuo ng mga ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Information Agency (PIA), Department of Education (DepEd), Department of Interior and Local Government (DILG), at ng lokal na pamahalaan ng Quezon at Lucena City, PhilHealth at DOH.

Tatlong lugar sa Quezon ang itinalaga bilang registration area sa NPRD, sa SM City Lucena, PhilHealth office sa Barangay Bocohan, Lucena City at sa Gumaca, Quezon.

Ang NPRD sa Oktubre 2 ay magsisilbing panimula ng pagpaparehistro o pagpapatala ng mga hindi pa miyembro ng PhilHealth hanggang ang lahat ng Pilipino ay maging miyembro nito.

Samantala, ayon kay Dr. Nimrod Villanueva, chief ng DOH Quezon Extension Office, inaasahan nila na ang mga OFW families, informal sector kabilang ang mga urban poor families, non-paying members, mga dating may trabaho at lahat ng nagnanais na magkaroon ng health insurance ang magpapatala sa programang ito.

Ang DSWD ang mamamahala sa pagpili ng mga totoong pamilyang mahihirap na bibigyan ng libreng PhilHealth cards. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Regional finals ng 4Ps jingle making contest ng DSWD gaganapin ngayong araw
»Tagalog News: Official Gazette patuloy na inaanyayahan ang mga Pinoy amateur at professional photographers na magsumite ng larawan
»Statement: No reason for conflict
»Sarangani arms tanks, troops with books
»Tagum mayor Uy addresses workforce on city foundation day
»Feature: Enercon tips on using refrigerators
»Cebuano News: Panabo mipalit ug truck aron iabag sa mga mag-uuma
»Hiligaynon News: 26 ka Grade 6 pupils magapasakop sa paindis-indis sa poster making kontra gutom
»Cebuano News: Comelec nagtugot ni Presidente Aquino nga mohimo ug bag-o nga appointments alang sa mga gipili nga katungdanan
»Caraga police ready for coming barangay, SK elections
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines