Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 25 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/29

Tagalog News: Plano sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangisdaaan, binuo sa Quezon

by R. Orinday

Lucena City (29 September) -- Binuo kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ang isang plano sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangisdaan sa lalawigan ng Quezon.

Ang pagbubuo ng malawakang plano ay ginanap sa Graceland Estate & Country Club, Tayabas City kung saan sa unang araw ay nagkaroon ng team Building activities na pinangasiwaan ng Agricultural Training Institute (ATI-Region IV-A) Sinabi niRoberto Gajo, OIC Provincial Agriculturist ng Quezon, layunin nito na magkaroon ng konsultasyon sa mga pambayang agrikultor ng Quezon sa pagbabalangkas ng plano upang maging daan o basehan ng pamahalaang panlalawigan sa pagtugon sa mga adhikain nito tulad ng mga sumusunod:mapataas ang produksiyon ng pagkain at kita ng mga magsasaka at mangingisda, makagawa ng mga produktong kapaki-pakinabang sa paggamit ng makabagong teknolohiya at magkaroon ng direksiyon ang agrikultura sa lalawigan.

Tampok din sa pagbubuo ng plano ang presentasyon ng mga programang pang agrikultura ng iba?t-ibang tanggapan tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) -Quezon at ng sentrong pamilihan gayundin ang pagpapakita ng kalagayang pang-agrikultura ng Quezon na iniulatni Gajo.

Naging panauhing tagapagsalita si Asec. Dennis B. Araullo ng Department of Agriculture kung saan inihayag niya ang mga pangunahing programa ng nasabing tanggapan gayundin sina Dr. Virgilio Villancio, University Researcher, Agricultural System Cluster, UPLB at Dr. Danilo Evangelista, Asst. Professor, CEM-UPLB.

Dumalo rin sina Provincial Administrator Romulo Edano, Diony Rodolfa, executive assistant II, Bokal Gary Ejercito, Bokal Victor Reyes, Engr. Irma Garde at mga kawani ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Regional finals ng 4Ps jingle making contest ng DSWD gaganapin ngayong araw
»Tagalog News: Official Gazette patuloy na inaanyayahan ang mga Pinoy amateur at professional photographers na magsumite ng larawan
»Statement: No reason for conflict
»Sarangani arms tanks, troops with books
»Tagum mayor Uy addresses workforce on city foundation day
»Feature: Enercon tips on using refrigerators
»Cebuano News: Panabo mipalit ug truck aron iabag sa mga mag-uuma
»Hiligaynon News: 26 ka Grade 6 pupils magapasakop sa paindis-indis sa poster making kontra gutom
»Cebuano News: Comelec nagtugot ni Presidente Aquino nga mohimo ug bag-o nga appointments alang sa mga gipili nga katungdanan
»Caraga police ready for coming barangay, SK elections
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines