Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 21 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/29

Tagalog News: DepEd: Private schools gusto ring walang weekend assignment

Manila (29 September) -- Inihayag kahapon ni Department of Education (DepEd) Secretary Bro. Armin Luistro na suportado rin ng mga pribadong paaralan ang inilabas nilang memorandum na nagbabawal sa mga guro na magbigay ng assignment sa mga estudyante ng mga public elementary school tuwing Biyernes.

"Our memo was meant for public schools but we get so many inquiries from private schools asking if they were covered by the order, saying that they are in support of it," ani Luistro matapos ang ginawang pagdinig sa Senado ng proposed DepEd budget para sa susunod na taon.

Idinagdag pa ng kalihim na may ilan na raw pribadong paaralan na nagpapatupad na rin ng no-homework policy.

"Ang alam namin yung iba ganoon nang ginagawa," aniya.

Ganunpaman, hindi naman tinukoy ni Luistro ang mga paaralan na nagpapairal ng homework ban tuwing Biyernes.

Nauna nang inilabas ng DepEd ang Memorandum No. 392 dahil sa mga reklamong kanilang natanggap hinggil sa "sobra-sobrang" takdang aralin ng mga estudyante sa elementarya.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na binibigyan ng naturang kautusan ang mga mag-aaral ng quality time sa pamilya sa halip na gugulin ang oras sa paggawa ng mga assignment sa mga araw na walang pasok sa eskwela.

"Alam ninyo lahat ng studies nagpapakita na kapag ginawa natin ito.. pagpasok nila ng Lunes, mas attentive sila," ani Luistro. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Regional finals ng 4Ps jingle making contest ng DSWD gaganapin ngayong araw
»Tagalog News: Official Gazette patuloy na inaanyayahan ang mga Pinoy amateur at professional photographers na magsumite ng larawan
»Statement: No reason for conflict
»Sarangani arms tanks, troops with books
»Tagum mayor Uy addresses workforce on city foundation day
»Feature: Enercon tips on using refrigerators
»Cebuano News: Panabo mipalit ug truck aron iabag sa mga mag-uuma
»Hiligaynon News: 26 ka Grade 6 pupils magapasakop sa paindis-indis sa poster making kontra gutom
»Cebuano News: Comelec nagtugot ni Presidente Aquino nga mohimo ug bag-o nga appointments alang sa mga gipili nga katungdanan
»Caraga police ready for coming barangay, SK elections
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines