Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/03

Tagalog News: Senado nangako na ipapasa ang 2011 national budget bago sila mag Christmas break

Manila (3 November) -- Nangako ang Senado na ipapasa ang 1.645 trillion peso national budget para sa susunod na taon bago sila mag christmas break sa December 18.

Sinabi ni Senate Finance Committee chairman Franklin Drilon na kanila itong gagawin upang maiwasan ang re-enacted budget na siyang magiging sanhi ng pagkaka-antala ng mga priority projects ng administrasyong Aquino.

Dagdag pa ni Drilon na inaasahan na ang pagsumite ng Kamara ng kanilang bersyon ng General Appropriations bill sa Senado sa susunod na linggo.

Sa tansa ng senador ay maipapasa nila sa third reading ang naturang panukala sa December 1 o 2.

Matapos nito ay magpupulong ang bicameral conference committee sa December 6 upang i-reconcile o pagkasunduin ang mga pagkakaiba sa bersyon ng dalawang sangay ng Kongreso.

Kapag nareconcile na ang mga pagkakaiba ay ibibigay na ito sa Pangulo upang kanyang pirmahan at maging ganap na batas.

Ang sampung ahensya na may pinakamalalaking budget sa susunod na taon ay ang Department of Education (207.3 bilyong piso), Department of Public Works and Highways (110.6 bilyong piso), Department of National Defense (104.7 bilyong piso), Department of Interior and Local Government (88.2 bilyong piso), Department of Agriculture (37.7 bilyong piso), Department of Social Welfare and Development (34.4 bilyong piso), Department of Health (33.3 bilyong piso), Department of Transportation and Communication (32.2 bilyong piso), Department of Agrarian Reform (16.7 bilyong piso) at ang hudikatura (14.3 bilyong piso). (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Waray-Waray News: PCG nagpapabilin nga alerto ngada hit Miyerkules
»Waray-Waray News: Embahador han New Zealand gindu-aw an LGPF
»Waray-Waray News: Mga impormasyon ha pagmamanman kan Lacson, nagpapakita nga aanhi hiya ha nasud ? De Lima
»Waray-Waray News: Comelec nagpatapud han mga baraydan ngadto han mga magturotdo nga nagserbisyo han Barangay, SK polls
»DOLE to help "sacadas" in 3 Western Visayas provinces
»Tagalog News: Senado nangako na ipapasa ang 2011 national budget bago sila mag Christmas break
»Tagalog News: Mga atletang makakabreak ng world record sa 2010 Asian games makakatanggap ng US$10,000 na pabuya
»Hiligaynon News: Pagbuhin sang non-tariff barrier sa negosyo, ginpangabay ni Presidente Aquino sa Australia
»Hiligaynon News: BPO makapulos sa K+12 nga programa sang DepEd
»Hiligaynon News: Bise Presidente Binay "very good" suno sa SWS survey
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines