Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 19 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: Ilang bayan sa Quezon, nakinabang sa rice production rehabilitation program

by Lito M. Giron

Lucena City (9 November) -- Namahagi ng palay seeds ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka sa pitong bayan sa Lalawigan ng Quezon bilang bahagi ng "Rice Production Rehabilitation Program" ng ahensiya.

Ang mga benepisyaryong magsasaka mula sa mga bayan ng Calauag, Lopez, San Narciso, General Luna, Macalelon, Unisan at Lucena City ay hindi lamang nabigyan ng palay seeds kundi tinuruan din ng makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay.

Sinabi ni Provincial Agriculture Officer Roberto Gajo na namigay din ang kanilang tanggapan sa mga magsasaka ng pambomba sa mga peste tulad ng "army worms", at mga vegetables seeds upang makatulong sa kanilang sakahan at higit pang dumami ang kanilang ani.

Ayon pa kay Gajo, regular na ginagawa ng kanilang tanggapan ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka alinsunod sa adhikain ng pamahalaang panglalawigan ng Quezon na maging "food basket" sa CALABARZON at ng Metro Manila.

Matatandaan na prayoridad din ni Agriculture Secretary Procy Alcala na ang lalawigan ng Quezon ang maging sentro ng pinanggagalingan ng gulay para sa Metro Manila.

Bilang patunay sa pagsusumikap ng Kalihim sa kanyang adhikain, noong kongresista pa ito ng 2nd district ng Quezon ay nagpatayo ito ng Sentrong Pampamilihan sa Sariaya.

Sa kasalukuyan, patuloy na ginagamit ng mga magtatanim ng gulay na bagsakan ng kanilang inaning gulay ang nasabing pamilihan na dinadala naman sa mga palengke sa Metro Manila. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines