Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 22 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: PhilHealth may automatic enrollment para sa retired employees sa Lifetime Member Program

by Ruel M. Orinday

Lucena City (9 November) -- Ipinababatid ng PhilHealth Regional Office IV-A na ang mga miyembro na nasa retiradong edad at may hindi bababa sa kabuuang 120 buwang hulog sa PhilHealth ay hindi na kailangan pang magpatuloy ng pagbabayad ng kanilang kontribusyon sa PhilHealth subalit ito ay makakagamit pa din ng benepisyo sa ilalim ng National Health Insurance Program (NHIP). Ito ay ayon sa Section 12 (b), Article III ng Republic Act 7875.

Ayon pa sa nasabing tanggapan, ang mga empleyado mula sa gobyerno o pribadong sektor na nakakumpleto ng dalawang requirements na nabanggit ay dapat magpatala sa ilalim ng Lifetime Member Program (LMP) at kinakailangan silang i-enroll ng kanilang employers tatlong buwan bago ang petsa ng kanilang pag-retiro.

Ang Human Resource Management ng kumpanya ang magbibigay ng mga kaukulang dokumento at magpapasa sa PhilHealth upang mai-proseso ito. Ang mga dokumento ay ang mga sumusunod: Dalawang kopya ng PhilHealth Member Registration Form (PMRF) na kumpleto ang impomasyong nakatala; dalawang piraso ng 1x1 ng kasalukuyang larawan at kopya ng mga sumusunod: Birth certificate ng retiradong empleyado, approved requirement application;

Para sa pribadong sector: Employer Certification kung saan nakalagay na ang retiradong empleyado ay nagtrabaho sa kanila ng hindi bababa sa 10 taon na may hulog ng kanyang kontribusyon at nai-remit sa PhilHealth. Kailangan ding nakalagay ang leave of absences na walang bayad;

Para sa governtment sector: Service record kung saan nakalagay ang creditable service bago ang petsa ng requirement, leave of absences na walang bayad at employer certifioation kung saan anakalagay ang kabuuang naihulog sa PhilHealth kasama ang resibo ng pinagbayaran.

Samantala, kung sakaling hindi pa kumpleto ang miyembro sa kabuuang 120 monthly contributions ngaunit nasa retiradong edad, maaaring maipatala muna sa Individually Paying Program (IPP) ng PhilHealth habang kinukumpleto ang kaukulang premium. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines