Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: DFA regional office sa Batangas, dinarayo ng mga aplikante

Batangas City (9 November) -- Kahit mga taga Manila at mga karatig na lugar ay dinadayo na ang regional office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Batangas City dahilan sa mas mabilis at maalwan ang pagkuha ng passport dito.

Itinayo ang nasabing tanggapan sa lungsod noong Setyembre ng isang taon at ito ay matatagpuan sa Batangan Plaza sa barangay Kumintang Ilaya.

Sinabi ni Ceres Jaca, DFA regional director, mas madali ang pag-aaplay dito dahil wala ng appointment pa at hindi na kailangang magdala ng litrato sapagkat dito na sila kukunan.

Ang regular application ay pinoproseso sa loob ng 22 working days ay may processing fee na P950.00 at kung rush naman ay 12 working days na may kaukulang fee na P1,200.00. Dahil sa direktang serbisyo, wala pa sa ngayon na accredited o affiliated na travel agency ang DFA Batangas.

Umaabot sa halos 200 ang passport na napoproseso dito at inaasahang dadami pa sa pagdating ng mga taga ibang lugar.

Maaring kumuha ng application form mula ala siete ng umaga hanggang ala singko ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Sakaling kumpleto ang dokumento deretso na ang proseso ng mga papeles. May kumpletong ring pasilidad ang DFA Batangas tulad ng tatlong capturing machine.

Pinuri rin ni Ceres ang kanyang mga kapwa empleyado dahilan sa kanilang dedikasyon, sipag at bilis sa kanilang trabaho.

Samantala, nagpahayag ng babala ang Philippine Consulate General sa Macau sa mga Pilipinong nagnanais magturista ngunit may ibang pakay tulad ng mandukot, magnakaw at iba pang illegal na gawain. Ayon sa Konsulado, mabilis masakote ng mga awtoridad sa Macau ang mga illegal na gawain dito dahil na rin sa mga CCTV camera sa bawat kalye at department stores. Maramin ring mga pulis na anaka sibilyan sa bawat kanto.

Ayon sa ulat ng konsulado, noong nakaraang linggo ay may apat na Pilipinong naaresto ng Macau Public Security at Judiciary Police sa diumano'y salang pandurukot at pagnanakaw na isinagawa sa Largo de Senado, isa sa mga tourists places sa Macau.

Ayon sa mga suspek pumasok sila sa Macau bilang turista noong September 24, 2010, at nakapagnakaw na sila ng halagang HK44, 00 (P248, 500) at 16 yuan (P104, 660) mula sa kanilang mga naging biktima. Kumikita sila ng 1,000 patacas (P5, 500) sa bawat na tagumpay na operasyon at ang natirang malaking bahagi ay sa lider mg sindikato.

Kaugnay nito ay kaagad nakipag ugnayan ang Konsulado sa mga awtoridad ng pulis para sa mga kaukulang aksiyon.

Nakipag ugnayan na rin ang Konsulado sa mga samahang Pilipino, simbahang Kristiyano upang paalalahanan ang mga kababayan ukol sa ganitong gawain. (PIO Batangas City/PIA Batangas) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines