Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 22 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: Clean, green at livelihood project sa Lucena, bahagi ng programang RUBY

by Ruel M. Orinday

Lucena City (9 November) -- Umabot na sa 19,620 square meters o 1.96 ektaryang lupain ang nataniman na ng iba't-ibang klase ng mga pananim na bahagi ng Clean, Green at Livelihood Project ni Mayor Barbara Ruby C. Talaga sa kanyang programang Rural, Urban, Barangay, Yard o RUBY.

Ang taniman ay makikita sa 34 na demonstration sites sa iba't-ibang barangay sa lungsod na pinangangalagaan ng mga asosasyon dito at minomonitor ng mga tauhan ng City Agriculturist Office (CAO).

Karamihan sa mga itinanim ay mga halamang pinakikinaabangan at maaaring pagkakitaan tulad ng iba't-ibang klase ng gulay, herbal at medicinal na halaman at mangilan-ngilang puno ng prutas.

Maliban dito may mga barangay ding nalagyan ng inland fishpond na naglalaman ng hito at iba pa kabilang ang native chicken na kasalukuyang inaalagaan sa barangay Kanlurang Mayao.

Kasama sa mga asosasyong tumanggap sa RUBY ang samahan ng vegetable growers, barangay council, farmers association and rural improvement, homeowners, barangay police, barangay justice at 4H club kabilang ang ilang indibidwal na nagpakita ng interes sa nasabing programa.

Matatandaang patuloy ang panawagan ni Mayor Talaga sa mga barangay na maglagay ng RUBY sapagkat malaki ang maitutulong nito upang magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan ang mga magsasaka bukod pa ang madadagdagan ang kanilang kaalaman sa pagtatanim dahil patuloy silang tuturuan at susupurtahan ng mga tauhan ng CAO. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines