Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: Bagong kampanya laban sa informal settlements masusubukan sa Masbate

Legazpi City (9 November) -- Sa Masbate, karaniwan ng itinuturing ng mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan ang mga nasasasakupan nilang informal settlers na bahagi ng kanilang political base sa panahon nang halalan.

Sa umiiral na patronage politics sa halos lahat ng sulok nito, nagagawang manatili ng mga informal settlers sa lugar na hindi nila pag-aari habang nais nila dahil sa proteksyon na kanilang nakukuha sa sinuman ang maupo na pinuno ng bayan.

Mas maraming informal settlers, mas maigi para sa mga lokal na pinuno dahil sa panahon na dikit ang karera sa eleksyon, ang boto ng informal settlers ang kadalasan ay nagpapasya sa resulta.

Dahil sa kinokonsente ito, makikita ang maraming informal settlements malapit sa mga water systems, sidewalks, garbage dumps, public cemeteries, at maging sa loob ng watersheds. Bukod sa sagabal ito sa kaunlaran at nakakasirang puri, nalalapastangan din ng informal settlements ang kalikasan.

Subalit sa direktiba na ipinapanukala ng Department of the Interior and Local Government, malalagay sa pagsubok ang ganitong klase ng pamumulitika sa Masbate.

Sa oras kasi na ma-aprub ni Secretary Jessie Robredo ang direktiba, mananagot ang mga lokal na pinuno pag sila'y nagkulang sa pagsawata sa paglipana ng informal settlers sa kanilang nasasakupan.

Sa draft circular ni Robredo, ipinaalala ng kalihim na nasa Local Government Code ang pananagutan ng mga punong barangay, alkalde at gobernador sa usapin ng informal settlers.

Aniya kailangang gampanan ng punong barangay ang kanyang tungkulin na patigilin ang pagtubo ng informal settlements sa kanyang teritoryo. Gayundin, tungkulin niyang gumawa ng paraan na mailipat ang mga existing informal settlers sa pook na mapapangalagaan ang kanilang kapakanan.

Sa panig naman ng alkalde, kailangang subaybayan niya ang pagtugon ng punong barangay kaugnay ng layunin ng pamahalaan na pigilan ang pagdami ng informal settlements. Gayundin, kailangang tulungan niya ang punong barangay sa pagtugon sa suliranin sa informal settlements.

Buwanan ang gagawing pag-uulat ng DILG regional director kaugnay ng aksyon ng mga lokal na pamahalaan sa informal settlements at magsisimula ito ngayong buwan ng Nobyembre.

Sa mga Masbateņos na nakabasa na sa draft circular, nagkakaisa sila sa pagpuri sa hakbang na ito ni Secretary Robredo. (PIA Masbate) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines