Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: Mga bilanggo sa Masbate pinasaya sa paggunita ng National Correctional Consciousness Week

Masbate City (9 November) -- Ang nakaraang linggo ay itinuturing na National Correctional Consciousness Week at para gunitain ito ay dinalaw ng isang mapagkawanggawang grupo ang mga bilanggo sa Syudad ng Masbate.

Nakatanggap ng masasarap na pagkain at mga damit ang mga nakapiit sa Masbate Provincial Jail nang sila'y bisitahin ng Servant Community na binubuo ng mga kasapi ng parokya ni San Antonio de Padua sa Masbate.

Bukod dito, nag umapaw ang kasiyahan ng mga bilanggo sa mga parlor games na sinalihan nila at ng kanilang mga bisita.

Ayon sa lider ng Servant Community na si Reynard Garucho, ang pagdalaw nila at pamamahagi ng kunting kasiyahan sa mga bilanggo ay bahagi ng pakikiisa sa layuning muling maiugnay sa lipunan ang mga bilanggo, parolado, probationers, at iba pang lumabag sa batas.

Sa impormasyong ating nakalap, ang Bureau of Jail Management and Penology at iba pang mga sangay ng pamahalaan na itinuturing na pillars of criminal justice system ay nagsagawa din ng katulad na paggunita sa iba pang bilangguan sa lalawigan ng Masbate.

Matapat na pasasalamat naman ang isinukli ng mga bilanggo.

Ikinagalak din nila ang tema ng paggunita, na sa wikang English ay "Towards Restorative Justice, Moving Beyond Punishment" na anila ay akmang tugon sa inaasam ng mga naligaw at napiit sa bilangguan. (PIA Masbate) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines