Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: Estudyante ng San Pablo Colleges, Provincial Champion sa 19th Philippine Statistics Quiz

Sta Cruz, Laguna (9 November) -- Itinanghal na Provincial Champion si John Paul E. Balandan laban sa 30 katunggali sa Philippine Statistics Quiz (PSQ) - provincial elimination na ginanap noong ika-28 ng Oktubre 2010 sa Training Center ng Pedro Guevarra Memorial National High School (PGMNHS).

Si Balandan ay nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy ng San Pablo Colleges. Nanalo rin ang kasama niyang si Bernadine F. Culaban bilang pangatlo sa PSQ.

Pumangalawa si Kurt Micheal F. Belen kumukuha ng Bachelor of Science in Electrical Engineering ng Laguna State Polytechnic University-San Pablo. Pang-apat si Ashley P. Brucal, Bachelor of Science in Computer Engineering ng STI College-San Pablo at si Richard D. Luangco, Bachelor in Secondary Education ng Laguna State Polytechnic University-Sta. Cruz.

Ang PSQ ay taunang patimpalak ng NSO at ng Philippine Statistical Association upang masubok ang kaalaman sa estadistika ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo. Ito ay sinikap ng mga tagapagtaguyod ng PSQ upang makaambag sa pagpapaunlad ng manggagawa sa siyensa at teknolohiya sa pamamagitan ng pagtuklas at pangangalaga sa mga may talento sa larangan ng estadistika. Ang resulta ng patimpalak ay magpapatunay kung gaano ka-epektibo ang pagtuturo ng estadistika bilang bahagi ng matematika sa high school.

Sumali sa patimpalak ang 17 kolehiyo at unibersidad na kinabibilangan ng mga sumusunod: Malayan Colleges-Cabuyao, Laguna State Polytechnic University-Los Banos, STI College-Calamba City, Polytechnic University of the Philippines.- City of Santa Rosa, Philippine Women's University-Sta.Cruz, STI College-Sta. Cruz, University of Perpetual Help System Dalta-Calamba City, Southeast Asia Institute and of Science Technology- Cabuyao, Laguna College- San Pablo City, Colegio de San Juan de Letran-Calamba City, AMA Computer College-Sta. Cruz, Laguna State Polytechnic University-Siniloan at University of the Philippines-Los Banos.

Ang mga nanalo sa provincial elimination ay ginawaran ng cash prizes, tropeyo at sertipiko ng karangalan nina Provincial Statistics Officer (PSO) Magdalena T. Serquena ng NSO-Laguna kasama si PSO Charito C. Armonia at Mathematics Department Head Amor G. Gelvez ng PGMNHS bilang miyembro ng Board of Judges.

Ang premyo ay ipinagkaloob ng provincial government sa pamumuno ni Governor Jeorge "ER" Ejercito at sa tulong ni Valentin P. Guidote at Ariel Penaranda ng Provincial Planning and Development Office.

Ang limang nanalo ay makikipagtunggali naman sa PSQ-Regional Elimination sa Lipa City sa ika-23 ng Nobyembre 2010. Ang sinumang mananalo para sa national finals ay pagkakalooban ng halagang P25,000 para sa unang mananalo, P20,000 sa pangalawa, P15,000 sa pangatlo, P10,000 sa pang-apat at P5,000 at panglima. Pagkakalooban din ang kanilang coach ng kalahati sa halagang mapapanalunan sa bawat pwestong nabanggit. (NSO-Laguna/PIA-Laguna) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines