Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: "8th Recom Golf Classic" naging matagumpay

Manila (9 November) -- Naging matagumpay ang idinaos na 8th Recom Golf Classic na pinangunahan ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri na ginanap sa Philippine Veterans Golf Club sa Quezon City noong Sabado (November 6).

Bagama't inulan ng bahagya bago matapos ang paligsahan ay naging masaya naman ang mga nagsipalo sa ginanap na 8th Recom Golf Classic dahil malaki ang kanilang naibahagi sa programa ng lokal na pamahalaan na pagtulong sa dalawang bahay ampunan na matatagpuan sa nasabing lungsod.

Kabilang sa mga nanalo sa naturang paligsahan ay sina Bong Joven - Class A Champion; B. Bunciaw ? 1st runner-up; Jay Cruz ? 2nd runner-up; George Guan ? Class B Champion; Tony Mariano ? 1st runner-up at B. Santos ? 2nd runner-up.

Nanalo rin sa Class C sina Johnson Chang ? Champion; Fando Cruz ? 1st runner-up; G. Daytia ? 2nd runner-up samantalang sa Ladies Division naman ay nanguna si Rose Oron habang si Junior Golfer Champion John Lester Lagman ang itinanghal na over-all champion.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Echiverri sa lahat ng mahihilig sa larong golf na sumali sa ginanap na 8th Recom Golf Classic dahil ang makikinabang sa proyektong ito ay ang Tahanang Mapagpala at Tahanang Mapagkalinga na siyang umaampon sa mga batang inabandona at inabuso ng kanilang mga magulang.

Napag-alaman na simula ng maging alkalde ng nasabing lungsod si Echiverri ay sinimulan nito ang pagpapalaro ng golf at ang kinikita sa palarong ito ay napupunta sa dalawang bahay ampunan.

"Layunin ng programa nating ito na mabigyan ng sapat na tulong at atensiyon ang mga batang inabandona at inabuso ng kanilang mga magulang nang sa gayon ay maramdaman nila ang pagmamahal na hindi nila nakamtan sa kanilang mga kaanak", sabi pa ni Echiverri.

Aniya, magtutuloy-tuloy ang pagtulong ng lokal na pamahalaan sa mga ganitong bahay ampunan dahil ilang taon ring pinabayaan ang mga ito ng mga nakalipas na administrasyon.

"Makakaasa ang mga kababayan nating nangangasiwa ng mga bahay ampunan na hindi magsasawa ang inyong lingkod na tumulong sa kanila dahil naniniwala tayo ang mga kabataang ito ang mga susunod na magiging pag-asa ng ating bayan", pagtatapos ng alkalde. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines