Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: Bulacan Muslim Affairs Consultative Council pormal ng pinagtibay

lungsod ng Malolos (9 November) -- Pormal nang pinagtibay ang pagbuo ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council matapos ang isinagawang ceremonial signing kahapon (Nobyembre 8) sa Hiyas Pavilion sa lungsod na ito.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 14, nilagdaan ni Gobernador Wilhelmino M. Sy Alvarado ang pagtatag ng konseho para sa kapakanan ng mga kapatid na Muslim sa lalawigan.

Tungkulin ng konseho ang mabigyan ng pantay na karapatan, at marinig ang mga daing at hiling ng sinumang Muslim sa lalawigan. Laman din nito ang mga regulasyon na dapat sundin ng samahan.

Ang konseho ay direktang pamumunuan ni Gob. Alvarado bilang Tagapangulo, kasama sina Bise Gob. Daniel Fernando at Engr. Pandao "Ansary" Ali Gamor bilang Pang. tagapangulo at Executive Officer.

Ang mga kasapi naman ng konseho ay magmumula sa mga kinatawan ng mga kilala at Sangguniang Panlalawigan (SP) accredited na mga samahan ng mga Muslim.

Ayon kay Alvarado, isa na rin itong paanyaya sa ating mga kapatid na Muslim upang sama-samang balikatin bilang isang lahi ang mga dati nang hinarap at ipinaglaban ng ating mga ninuno, ang kapayapaan at pagkakaisa.

Nagpasalamat naman si Bae Umira Lucman ng National Commission on Muslim Filipino sa pagkakaroon ng ganitong tanggapan na ang tungkulin ay protektahan ang kanilang mga karapatan.

Sinabi rin ni Dir. Ibra Omar ng Department of Agrarian Reform na ang pagbuo ng ganitong samahan ay isang pagpapatunay ng pagkakapantay-pantay sa Bulacan, na walang tinitingnang relihiyon o lahi para sa higit pang ikauunlad ng lalawigan.

Dagdag pa ng gobernador na sa lalong madaling panahon ay pagkakalooban ng opisina sa Capitol Compound ang bagong tatag na konseho upang higit na makapagp-serbisyo ang mga inari na nating kalalawigang mga Muslim. (PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines