Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: Provincial hospital Pinamalayan branch binuksan na

Calapan City (9 November) -- Dinala na ng administrasyong Umali ang Provincial Hospital sa Pinamalayan sa pormal na pagbubukas ng Provincial Hospital-Pinamalayan Branch noong Oktubre 6.

Ang pagpapasinaya ng bagong gusaling pangkalusugan ay pinangunahan nina Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor, Mayor Wilfredo L. Hernandez, Bokal Romeo G. Infantado, Provincial Health Officer Dr. Normando Legaspi, OIC ng Provincial Hospital Dr. George Palomaria, Dr. Guillermo Gonzales at iba pang opisyal ng Kapitolyo. Bisita sa okasyon sina Bansud Mayor Ronaldo Morada at Gloria Mayor Loreto Perez.

Ang Provincial Hospital-Pinamalayan Branch ay may pondong mahigit sa P27 milyon. Mula sa dating 10-bed capacity ay ginawa itong 25-bed facility. Inaasahang magsisilbi ito hindi lamang sa Pinamalayan kundi maging sa karatig nitong mga lugar.

Sa simpleng programa, tiniyak ni Gobernador Umali na ibibigay ng pamahalaang panlalawigan ang lahat ng kailangan pang suporta upang maging maayos ang operasyon ng ospital. Nauna na rito ang pagbibigay niya ng isang ambulansya.

"Tinitiyak ko sa inyo na nakahanda ang aking pamunuan na tuluy-tuloy na umaalalay sa operasyon ng ospital. Maglalaan tayo ng karagdagang pasilidad at maging ng mga empleyado, doctor at nurses," ayon kay Gobernador Umali.

Hiniling naman ni Bise-Gobernador Dolor sa mga nagtatrabaho sa ospital na mas higit na itaas ang antas ng kalidad ng kanilang pagseserbisyo upang mas maramdaman ang mga proyektong inilalaan sa kanila ng pamahalaan.

"Walang halaga ang ganda ng bagong gusali kung hindi ang mataas na kalidad ng serbisyo ang ipagkakaloob sa mga mamamayan," pahayag ni Bise-Gobernador Dolor.

Samantala, pormal na ring binuksan ang Basic Emergency Maternal and Obstetrics Care Center sa Gloria Hospital na ipinagawa rin ng pamahalaang panlalawigan sa pondong humigit-kumulang sa P1 milyon.

Kaugnay ng mga proyektong pangkalusugan, sa Nobyembre ay bubuksan na rin ang Provincial Hospital-Roxas Branch at sa Abril ng susunod ng taon, ang bagong Oriental Mindoro Medical Center ay magsisilbi na sa mamamayang Mindoreņo at maging sa mga taga-karatig lalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines