Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: Oriental Mindoro pagkukunan ng pagkain at pangunahing panturistang destinasyon ng bansa

Calapan City (9 November) -- Sa pamumuno ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., sa pakikipagtulungan ng lahat ng mga opisyal ng pamahalaan at ng mga mamamayan nito, ang Oriental Mindoro ay magiging pangunahing pagkukunan ng pagkain at panturistang destinasyon at uusbong bilang sentro ng kalakalan sa rehiyon at ng bansa sa susunod na mga taon.

Ang mga tunguhing pangkaunlarang ito ng administrasyong Umali ang titiyakin ng Framework Plan 2011-2016, Provincial Development Investment Program 2011-2013 at Annual Investment Plan 2011 na in-adopt ng Provincial Development Council sa kauna-unahang PDC Full Council na ginanap noong Oktubre 5 sa Kapitolyo. Ang tatlong nabanggit ay ang pinakamahahalagang dokumento para sa maayos na pagpaplano at implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan.

Nagkakaisang ipinasa ang mga nasabing dokumento nina Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor, 1st District Representative Rodolfo G. Valencia, mga punumbayan, kinatawan ng sangay ng pamahalaan, non-government at people's organizations, simbahan at mga konsernadong samahan.

Ang PDC ang isa sa pinakamahahalagang special bodies ng pamahalaan at mga pangunahing tungkulin nito ang pagbubuo ng mga polisiya at planong pangkaunlaran, pagtatasa at pagpaprayodidad ng mga proyekto, at pagmomonitor at pagtitiyak ng maayos na implementasyon ng mga programa ng pamahalaan.

Sa ilalim ng administrasyong Umali, pangunahing itataguyod ang Kapitolyo Para sa Mamamayan at Public Assistance Center na mga sistemang nagbubukas sa pamahalaang panlalawigan para sa lahat ng mga mamamayang Mindoreņo. Hinihikayat rin ng kasalukuyang pamunuan ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan sa kabuuang proseso ng pagpapaunlad ng mga pamayanan at upang maisulong na rin ang bukas na pamamahala. Titiyakin rin ang pinakamataas at pinaka-epektibong paglilingkod ng mga nasa pamahalaan ang ipagkakaloob sa mga mamamayan.

Higit na patataasin ang aning palay at produksyong bigas, gulay, prutas, hayop, isda at iba pang yamang-dagat sa pagtataguyod ng organic farming, crop diversification at farm mechanization. Magtatayo ng mga bagong pasilidad at aayusin ang mga kasalukuyang imprastraktura upang higit na maisulong ang industriya ng turismo. Pauunlarin ang hydro, geothermal at ibang renewable/indigenous power sources. Paiiralin ang counterparting scheme para sa pagpapatupad ng mga progyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Binigyang-diin din ni Gobernador Umali ang pagpapatupad ng isang kumprehensibong programa para sa mga nasa disadvantaged sector. Ipagpapatuloy ang health insurance program sa ilalim ng Philhealth. Ipatutupad ang 24-hour operations ng Botika ng Lalawigan at maglalagay ng mga katulad na botika sa ibang lugar. Mas palalawakin ang paglalaan ng mga proyektong panlipunan kabilang ang scholarship programs at pagsasanay para sa mga guro. Maglalaan din ng programang pabahay para sa mga mahihirap na pamilya at mga kawani ng Kapitolyo. Titiyakin din ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa pakikipagtulungan sa law-enforcement agencies.

Sa kasalukuyang pamunuan, mas mahigpit at sinserong ipatutupad ang 25-year mining moratorium. Patuloy ring magsasagawa ng mga pag-aaral upang resolbahin ang problema sa baha.

Matapos na i-adopt ng PDC ang tatlong dokumento, isusumite na ito sa Sangguniang Panlalawigan para sa pagpapasa ng isang ordinansang nag-aapruba dito.

Sa kabuuan, isang mahalagang mensahe ang binitiwan ni Gobernador Umali. "Magtrabaho lang tayong lahat at titiyakin kong ang trabaho nating ito ay pakikinabangan ng lahat ng mamamayan. Ang lahat ng ating mga pinangarap, sa ating pagsasama-sama, ay matutupad." (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines