Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/09

Tagalog News: Libreng technical/vocational skills training patuloy na ipagkakaloob sa mga Mindoreņo

Calapan City (9 November) -- Kukuha ang Pamahalaang Panlalawigan ng may 300 iskolar sa ilalim ng Project Access to Countryside Courses for Employable/Entrepreneurial Skills (Project ACCESS) ngayong taon.

Ito ay bilang bahagi ng adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., na mabigyang-kapangyarihan ang mga mamamayan na makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga Mindoreņo ng napapanahong kaalaman at kasanayang teknikal at bokasyunal. Ang mga manggagawang may technical/vocational skills ay kasalukuyang in-demand ngayon sa loob at labas ng bansa.

Ayon kay PESO Manager Antonio Magnaye, Jr., ang Project ACCESS ay pinondohan ngayong taon ng Pamahalaang Panlalawigan ng P2.5M. Aniya pa, kasalukuyan na silang nasa proseso ng pagpili sa mga institusyong mapapabilang sa proyekto, sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Kabilang sa mga qualification title na maaaring kuhanin ng mga magiging iskolar ay ang mga sumusunod: Automotive Servicing NC II, Shielded Metal Arc Welding (SMAW NC II), Consumer Electronics Servicing NC II, Food and Beverages Services NC II, Security Services NC I, Computer Hardware Servicing NC II, Computer Programming NC IV at Engine Seafaring.

Sa Nobyembre 10, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-60 taong anibersaryo ng lalawigan, nakatakdang ipagkaloob ang scholarship vouchers sa mga mapipiling benepisyaryo ng programa. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: BFAR pansamantalang pinagbabawal ang pagbebenta ng shellfish na nagmula sa coastal waters ng Bataan
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz pinapayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»IGACOS aims to be rabies-free island
»Rabies-free island good for tourism
»CDA sees bright future for coops under new code
»Talaingod mayor exhorts fellow IPs on ancestral pride
»October food prices remain stable despite typhoon
»2010 Gawad Saka 2010 Search for Outstanding Agri Achievers nominates Rodham Cacho
»Cebuano News: Pagsaulog sa kalag-kalag sa Panabo malinawon - Panabo PNP
»Cebuano News: Lima ka tonilada nga basura nahipus sa pampublikong sementeryo sa Panabo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines