Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 25 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/10

Tagalog News: Plaridel, Bulacan nakamit ang pinakamataas na karangalan sa larangan ng nutrition program implementation

Malolos City (10 November) -- Nakamit ng Plaridel, Bulacan ang pinakamataas na karangalan sa larangan ng nutrition program implementation- ang Nutrition Honor Award sa katatapos na National Nutrition Awards 2010 na ginanap sa Philippine International Convention Center.

Ang munisipalidad ang sole recipient ng parangal ngayong taon.

Dahil dito, kahanay na ng bayan ang 42 lokal na pamahalaan na nakakuha na ng naturang pagkilala.

Ang Plaridel, na Most Outstanding Nutrition Program Implementer sa Gitnang Luzon sa nakalipas na anim na taon, ay matagumpay na naibaba ang bilang ng mga underweight preschoolers nito mula 3.2 porsyento noong 2004 ay naging 0.4 porsyento na lamang ito noong 2009.

Nakapagtala rin noong nakalipas na taon ng zero cases ng undernutrition ang 5 sa 19 na barangay nito.

Ito ang barangay Bagong Silang, Bintog, Culianin, Lumang Bayan at Tabang.

Kabilang sa mga ipinatupad na programang pangnutrisyon ng bayan na naging matagumpay ay ang "Ugnay Serbisyo sa Barangay" kung saan integrated ang pagbibigay ng lokal na pamahalaan ng mga basic social services gaya ng medical at dental checkups, family planning seminars, mobile birth registration at anti-rabies vaccination sa lahat ng barangay.

Hinikayat naman ang mga mamamayan na magtanim ng gulay sa kani-kanilang mga bakuran sa proyektong "Oh My Gulay, Kalusugan Mo Nakasalalay sa Gulay Ko" habang binibigyan ng karampatang pangangalagang pangmedikal ang mga underweight preschoolers na may komplikasyon sa "Mga Bata'y Palusugin, Baga Nila'y Palakasin".

Naglagay rin ng mga Nutri-stores ang lokal na pamahalaan sa lahat ng barangay at nagtayo ito ng breastfeeding center malapit sa munisipyo upang bigyang pagkakataon ang mga ina na magpasuso ng kanilang sanggol sa labas ng kanilang mga tahanan.

Sinabi ni Plaridel Mayor Anastacia Vistan na ang parangal ay patunay na ang kanyang bayan ay nanalo sa laban kontra malnutrisyon.

Nangako ang alkalde na patuloy silang magsisikap upang lalo pang mapabuti ang estado ng kalusugan ng kanilang mga mamamayan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»43 Central Luzon MSMEs to join 5th OTOP Luzon Island Fair
»Tarlac's BHW cited most outstanding in region
»Digital literacy program launched in Victoria
»Tagalog News: Plaridel, Bulacan nakamit ang pinakamataas na karangalan sa larangan ng nutrition program implementation
»RDC supports 200-MW coal plant in Davao
»Army soldier sues drunk assailants
»Mindanao as food basket pushed in int'l food expo
»Journalists exhorted to exercise good reporting
»Co-founder of world's leading bagmaker inspires Filipino youth
»Workshop on combating child labor through education set in Davao
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines