Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/10

Tagalog News: Wag gumamit ng pekeng Christmas lights, ayon sa fire department

Puerto Princesa City (10 November) -- Nagbigay babala laban sa paggamit ng sub-standard Christmas lights ang hepe ng City Fire Department na si City Fire Inspector Herald Castillo.

Ayon kay Inspector Castillo, ang paggamit ng sub-standard at pekeng mga Christmas lights ay maaaring pagmulan ng sunog tulad na rin ng ilang insidente na naganap ng mga nakaraang taon.

Dagdag pa niya na upang makasiguro sa gagamitin na Christmas light, hanapin ang may mga selyo o tatak na "ICC". Anya, maaaring mura nga at bina-"bargain" ang pagbenta ng mga ito ngunit napakalaking peligro naman sa sunog.

Nakikipagtulungan ang City Fire Department sa Department of Trade & Industry upang makumpiska ang mga sub-standard na Christmas lights at tuluyan na itong matanggal sa mga tindahan.

Narito naman ang ilang safety tips para sa paggamit ng Christmas lights:

  1. Bumili ng Christmas light na may tatak na "ICC" sa packaging nito. Ang may tatak na "ICC" ay dumaan na sa testing at masasabi na ligtas gamitin.
  2. Gumamit ng Christmas lights na may fuse sa plug nito.
  3. Inspeksyunin ang Xmas light, bago o luma man. Huwag ng gamitin ang may "cracked" o "broken socket", loose connection, at kung meron ng mga hiwa, tastas at naka-expose na ang ang wires at kurdon.
  4. Palitan agad ang pundidong bumbilya ng magkapareho ring wattage.
  5. Patayin ang xmas lights kung aalis ng bahay at matutulog na sa gabi.
  6. Huwag i-overload ang extension cords. Maari itong mag-init at makasanhi ng sunog.
  7. Kung gagamit ng xmas lights sa labas ng bahay, siguraduhing ang gagamitin ay pang-"outdoor" use na xmas lights. Naka-lagay sa packaging kung ito ay pang-"indoor" o "outdoor" use.

(PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»43 Central Luzon MSMEs to join 5th OTOP Luzon Island Fair
»Tarlac's BHW cited most outstanding in region
»Digital literacy program launched in Victoria
»Tagalog News: Plaridel, Bulacan nakamit ang pinakamataas na karangalan sa larangan ng nutrition program implementation
»RDC supports 200-MW coal plant in Davao
»Army soldier sues drunk assailants
»Mindanao as food basket pushed in int'l food expo
»Journalists exhorted to exercise good reporting
»Co-founder of world's leading bagmaker inspires Filipino youth
»Workshop on combating child labor through education set in Davao
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines