Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 27 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/10

Tagalog News: 75 job order employees sa LTO-Region 1, nahigit 5 buwan nang di sumasahod

Ni Miriam P. Aquino

San Fernando City, La Union (10 Nov) -- Nagsalita na ang pamunuan ng Land Transportation Office - Regional Office 1na pinangungunahan ni Direktor Juan Victor Duyan Jr. hinggil sa diumano'y delayed o di pagkakatanggap ng sahod ng 75 na Job Order (JO) na empleyado ng ahensiya na nagtatrabaho at pinopondohan sa ilalim ng Motor Vehicle Users Charge (MVUC) Project ng ahensiya.

Sa isang panayam na ating ginawa kamakailan sa opisina ni OIC-Direktor Duyan, kanyang inihayag na pinaplantsa na diumano nila ang gusot o problema hinggil sa alokasyon ng pasahod sa mga empleyadong nagtatrabaho sa ilalim ng proyektong ito at panay-panay din aniya ang pagpupukpok niya sa kanilang Finance Officer upang sunud-sunurin ang pagfollow-up sa kanilang Central Office sa Maynila para maresolba na ang naturang problema.

Base po sa ating nakalap na balita mula sa mismong mga JO employees na ayaw ipalabas ang mga pangalan, magmula pa ng buwan ng Hunyo magpahanggang ngayong buwan na kasalukuyan, lumalabas na mahigit limang buwan na, ay hindi pa nila natanggap ang kanilang mga sahod.

Ang nakalahad diumano sa mga kontratang kanilang pinirmahan mula Enero hanggang Setyembre, ay tatanggap sila ng sahod ng kada kinsenas (15th) at katapusan (30th) ngunit di umano ito nasunod dahil minsan sa isang buwan lamang kung sila ay pasahurin at delayed pa ito ng umaabot ng 2 linggo ng sumusunod na buwan na.

Ngunit sa kasamaang palad, ang kanilang sahod ng para sa buwan ng Mayo na natamggap nila ng halos lampas 2nd week na ng Hunyo ay siya na ring huling pasahod sa kanila ng ahensiya.

"Humihingi ako ng paumanhin sa ating mga JO dahil sa delayed na pasahod sa kanila at nararamdaman/naiintindihan ko din and kanilang saloobin, at nagpapasalamat din ako dahil patuloy pa rin silang pumapasok araw-araw.

Naintindihan ko iyong mga gastos at pagod nila sa pagpasok, bagamat hindi pa nga nababayaran ang ating mga bayaning mga JO employees.

Sinabihan ko din ang Human Resource Management Officer (HRMO) namin at Finance Officer na kahit maibigay na lang muna iyong sahod nila ng kahit hanggang pang-apat na buwan and I even instructed them before the contracts of these JOs ended in September that they all be renewed until December dahil masama naman ang loob ko na mawawalan sila ng trabaho eh magpapasko," he added.

"For now, I am glad to say that there was an announcement coming from our Central Office that the Department of Budget and Management has already released the P1.9M allocation intended for the salaries of these Job Order Employees."

"We are now getting in-touch with the Land Bank of the Philippines if they have already received the money so that we can also release their salaries the soonest" ani Duyan.

Sa isa ring panayam sa telepono na ating ginawa sa kanilang Finance Officer na si Evangeline Agbunag, nabanggit nito na nag-umpisa umano ang delay sa pasahod nuong magpalit ang administrasyon dahil naapektuhan aniya ang pamunuan ng Road Board kung kayat walang pipirma sa mga pondong dapat i-release at hindi aniya magalaw ng Central Office ang pondo.

"Sa amin ay okay lang naman kung mag stop na muna silang pumasok lalo na kung wala na silang pamasahe, nasa kanila naman iyon dahil wala pa nga kaming maipasuweldo," ani Agbunag.

Bilang depensa sa mga JOs tinuran ni Duyan na "sa kanila lang iyong ideyang ganun, ako gusto ko pa silang magkaroon ng trabaho kahit hanggang Disyembre lang dahil kawawa naman ang isang empleyado kung gigising siya isang araw ng pasko na wala na pala siyang trabaho kaya't ipina-extend ko ang kanilang mga kontrata ng hanggang Disyembre 31 pa sa HRM Officer".

"Pumirma na ulit sila ng kontrata noong Oktubre ng hanggang December 31 pa at kinausap ko rin ang mga JOs tungkol dito kung gusto pa nilang tiyagain muli ang mag-stay ng hanggang katapusan ng Disyembre," dagdag pa ni Duyan.

Sa ating mga kinauukulan, ang paglalabas po ng isyung ito ay hindi para sirain ang pangalan ng ahensiya o ng sino mang mga opisyales nito. Nais lamang po naming makuha ang totoo at tamang impormasyon upang maitama rin ang mga ideya o isyung lumalabas hinggil sa problemang ito.

Hangad din po namin ang pagkaka-resolba na ng problemang ito sa lalong madaling panahon dahil nakakaawa din po ang ating mga empleyado na nagpapakahirap magtrabaho para sa ikakaayos at ikatatagumpay ng ating mga programa. (PIA RO1/LU) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»43 Central Luzon MSMEs to join 5th OTOP Luzon Island Fair
»Tarlac's BHW cited most outstanding in region
»Digital literacy program launched in Victoria
»Tagalog News: Plaridel, Bulacan nakamit ang pinakamataas na karangalan sa larangan ng nutrition program implementation
»RDC supports 200-MW coal plant in Davao
»Army soldier sues drunk assailants
»Mindanao as food basket pushed in int'l food expo
»Journalists exhorted to exercise good reporting
»Co-founder of world's leading bagmaker inspires Filipino youth
»Workshop on combating child labor through education set in Davao
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines