Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/10

Tagalog News: National Rice Awareness Month, ipinagdiriwang ngayong Nobyembre

Koronadal City (10 November) -- Ipinagdiriwang sa buong bansa ngayong buwan ng Nobyembre ang National Rice Awareness Month. Dito sa rehiyon dose ang PhilRice Midsayap ang namumuno sa selebrasyon, na naglalayong maitaguyod ang kahalagahan ng bigas sa bawat mamamayang Pilipino.

Ayon kay Dr. Rodolfo Escabarte, Jr. Acting Branch Manager ng PhilRice Midsayap, idineklara ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2004 sa pamamagitan ng Proclamation No. 524 ang buwan ng Nobyembre bilang National Rice Awareness Month.

Dahil dito inaanyahahan at hinihikayat ni Dr. Escabarte ang mga residente ng rehiyon na makiisa sa buong sambayanang Pilipino sa nasabing selebrasyon na may layuning mapataas ang income ng mga magsasaka, mapabuti ang nutrisyon ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng brown rice, at higit sa lahat ay pag-conserve ng palay, bigas, o kanin.

Ilan sa mga rice awareness activities na isinasagawa ng PhilRice Midsayap ay ang rice storytelling at pagpapakain ng brown rice (feeding activity) sa ilang elementary students sa lalawigan ng Cotabato.

Pinapalakas din ng tanggapan ang kampanya sa rice awareness sa pamamagitan ng Rice Forum sa mga mag-aaral sa high school at sa ilang unibersidad dito sa region XII.

Kasabay ng National Rice Awareness Month, ipinagdiriwang din ang ika-dalawampu't limang taong anibersaryo ng PhilRice ngayong Nobyembre. Ang PhilRice ay isang government corporate entity sa ilalim ng Department of Agriculture. Ito ay naitatag sa bisa ng Executive Order 1061 noong November 5, 1985, upang matulungan ang mga magsasaka na makapag-ani ng sapat na bigas para sa lahat ng mga Pilipino.

Kaugnay nito, itinanghal si Rodel Orejudos ng Philrice Midsayap at residente ng Alamada, North Cotabato bilang isa sa mga outstanding employees ng Philrice. (ac agad PIA 12/with report from rhod benez) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»43 Central Luzon MSMEs to join 5th OTOP Luzon Island Fair
»Tarlac's BHW cited most outstanding in region
»Digital literacy program launched in Victoria
»Tagalog News: Plaridel, Bulacan nakamit ang pinakamataas na karangalan sa larangan ng nutrition program implementation
»RDC supports 200-MW coal plant in Davao
»Army soldier sues drunk assailants
»Mindanao as food basket pushed in int'l food expo
»Journalists exhorted to exercise good reporting
»Co-founder of world's leading bagmaker inspires Filipino youth
»Workshop on combating child labor through education set in Davao
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines