Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 20 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/11

Tagalog News: DFA nagbabala sa modus ng pagnanakaw ng mga turistang Pilipino sa Macau

Manila (11 November) -- Nagpahayag ng babala ang tanggapan ng Philippine Consulate General sa Macau SAR sa mga Pilipinong nagnanais magturista ngunit ang pakay nila ay mandukot, magnakaw at gumawa ng kasamaan dahilan sa sila'y masasakote kaagad ng mga awtoridad.

Karamihan sa mga gumagawa nito bagaman nagtatagumpay paminsan minsan ay madalas nahuhuli dahilan sa maraming mga CCTV camera sa bawat kalye o mga department store at naglipanang mga pulis na naka-sibilyan at mga pulis na nakatalaga sa bawat kanto.

Ito'y kaugnay sa ulat na apat na namang mga Filipino ang naaresto noong nakaraang linggo ng Macau Public Security at Judiciary Pulis sa salang pandurukot at pagnanakaw na ang binibiktima ay mga dayuhang turista sa popular na lugar ng mga turista, sa Largo do Senado at Ruis of St. Paul.

Sang-ayon sa mga nahuling Pilipino suspek na pumasok sa Macau na turista noong Setyembre 24, 2010 nakanakaw sila ng halagang HK44,000 (Pesos 248,500) at 16,000 yuan (Pesos 104,660) sa kanilang mga biktima. Sila di-umano ay kumikita bawat isa ng halagang 1,000 patacas (Pesos 5,500) kada tagumpay nilang pandurukot at pagnanakaw samantalang ang natirang malaking bahagi ay sa lider ng sindikato.

Sinabi ng mga pulis na noong naka-duty sila sa nabanggit na lugar, bandang hapon minanmanan nila ang pitong Pilipino na kahina-hinala ang kilos habang naglalakad. Isa dito di-umano'y nagkunyaring natapon ang dalang inuming tubig sa mga naglalakad samantalang ang ibang mga kasamahan nito ay mabilis kaagad nakapandukot ng mga pitaka sa mga biktima.

Noong nakaraang buwan apat ding mga Pilipino na may gulang mula 35 hanggang 60 ang mga nahuli rin sa pandurukot at napalathala pa rin ang mga ito sa pahayagang English, Chinese at Purtugues at napabalita rin sa mga radyo at sa telebisyon.

Samantala sinabi naman ng mga lider ng kumunidad ng Pilipino sa Macau partikular ang mga residente at mga legal na OFWs na ang masasamang gawaing ito ay di maganda at negatibo ang epekto sa kanila lalo na sa pananaw ng iba nilang mga kasamahan sa trabaho at mga amo nila.

Kaagad nakipag-ugnayan ang Konsulado sa mga awtoridad ng Pulis para makuha ang mga datus ng mga suspek para sa inpormasyon ng awtoridad ng imigrasyon at NBI sa Pilipinas,kung kinakailangan at para na rin madalaw sa kulungan.

Ayon na rin sa kahilingan ng kumunidad, nakipag-ugnayan na rin ang Konsulado sa mga ibang samahang Pilipino, simbahan at ibat-ibang simbahang kristiyano para paalalahanan ang mga kabababayan sa ganitong masasamang gawaing kahiya-hiya. (DFA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy, tutulak patungong Japan ngayong araw
»Tagalog News: 43 MSMEs ng Central Luzon lalahok sa 5th OTOP Luzon Island Fair
»PNoy declares November 16 as national holiday
»11 Pinoy victims of human trafficking in US provided assistance, says DOLE
»Filipino bamboo bike builder, 43; world entrepreneurs mourn loss
»Senate receives budget bill from House
»Tagalog News: DFA nagbabala sa modus ng pagnanakaw ng mga turistang Pilipino sa Macau
»Feature: Tacloban commercially manufactures traditional herbal medicines
»Feature: PITAHC herbal plant in Eastern Visayas, a medical tourism destination
»PNoy leaves for Japan to attend APEC summit
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines