Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 21 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/11

Tagalog News: 200 senior citizens may libreng bakuna laban sa AH1N1

by Ruel M. Orinday

Lucena City (11 November) -- Nagbigay ng libreng bakuna laban sa pandemic na AH1N1 ang City Health Office (CHO) kamakailan para sa 200 senior citizens ng lungsod na ito upang mapalakas ang kanilang resistensiya laban sa sakit.

Bago bakunahan, dumaaan muna sila sa mga pagpapaliwanag ng CHO para maipabatid ang mga maaaring maging reaksiyon ng kanilang katawan pagkatapos ng bakuna. Inalam din ng CHO kung ang bawa't matanda ay may allergy o sintomas ng allergy sa antibiotic, itlog at manok dahil kung meron ay hindi sila puwedeng mabakunahan.

Kasabay nito, naging bahagi din ng aktibidad ang muling pagpapasigla sa mga senior citizens sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga ito na muling ipamalas ang kanilang talento sa ballroom dancing na palagiang ginanap sa SM Event Center ng SM City Lucena.

Sinabi ni Lilibeth Azores, Public Relation Manager for South Luzon ng SM, ang pagbibigay ng ganitong pribilehiyo sa sektor ng matatanda ay ginagawa tuwing Martes ng bawa't buwan at bahagi ng programang Senior Citizen's Day at the Mall.

Isang paraaan din ito upang magkaroon ng ehersisyo ang mga matatanda bukod sa pagkakaroon ng sosyalisasyon sa kanilang kapwa senior citizen. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy, tutulak patungong Japan ngayong araw
»Tagalog News: 43 MSMEs ng Central Luzon lalahok sa 5th OTOP Luzon Island Fair
»PNoy declares November 16 as national holiday
»11 Pinoy victims of human trafficking in US provided assistance, says DOLE
»Filipino bamboo bike builder, 43; world entrepreneurs mourn loss
»Senate receives budget bill from House
»Tagalog News: DFA nagbabala sa modus ng pagnanakaw ng mga turistang Pilipino sa Macau
»Feature: Tacloban commercially manufactures traditional herbal medicines
»Feature: PITAHC herbal plant in Eastern Visayas, a medical tourism destination
»PNoy leaves for Japan to attend APEC summit
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines