Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/11

Tagalog News: Holistic approach kailangan sa pagtugon laban sa illegal logging activities sa Lanao Del Sur, ayon sa isang DENR official

Islamic City of Marawi (11 November) -- Ipinanunukala ni DENR-ARMM Assistant Secretary Atty. Cosain Abbas na ipatupad ng pamahalaan ang isang holistic approach upang labanan ang illegal logging activities sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Sa pakikipanayam ng Radyo ng Bayan, inamin ni Abbas na sa kabila ng ipinatutupad na total log ban sa buong Autonomous Region in Muslim Mindanao mayroon pa ring nangyayaring illegal logging activities sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Ayaw naman pangalanan ni Abbas kung sino ang mga politikong nakikialam upang hindi tuwirang naipatutupad ng lubos ang nasabing total log ban.

Sinabi niya na napipilitan ding magpikit mata ang ilang politiko hinggil sa illegal logging activities dahil naiintindihan nila ang kahirapan ng buhay na pinagdaraanan ng ilan sa ating mga kababayang naninirahan sa kabundukan ng Lanao del Sur.

Ayon kay Abbas, wala pa siyang alam na isang reforestation project na ipinatutupad ng pamahalaan dito sa lalawigan sa kasalukuyan.

Kung magkakaroon ng reforestation project, magkakaroon din ng alternatibong kabuhayan ang mga taong sangkot sa illegal logging activities, dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, mayroong isang daan at animnapo'ng libong hektarya ang watershed area ng Lanao del Sur.

Apat na raang hektarya ang forest cover nito.

Nguni't binigyang diin ni Abbas na bagama't sa pangkalahatan ay buo pa rin ang nasabing forest cover, hindi tayo dapat maging kampante.

Ito ay dahil hindi naman araw-araw ay nababantayan kung mayroon illegal logging activities na nagaganap sa mga kagubatan.

Ang Lake Lanao at ang watershed nito ay hindi sakop ng pamamahala ng DENR-ARMM, ayon pa kay Abbas.

Ito ay hawak ng national government sa pamamagitan ng DENR Region 10, dagdag pa niya. (Bobby Ilupa/PBS-DXSO Radyo ng Bayan Marawi) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy, tutulak patungong Japan ngayong araw
»Tagalog News: 43 MSMEs ng Central Luzon lalahok sa 5th OTOP Luzon Island Fair
»PNoy declares November 16 as national holiday
»11 Pinoy victims of human trafficking in US provided assistance, says DOLE
»Filipino bamboo bike builder, 43; world entrepreneurs mourn loss
»Senate receives budget bill from House
»Tagalog News: DFA nagbabala sa modus ng pagnanakaw ng mga turistang Pilipino sa Macau
»Feature: Tacloban commercially manufactures traditional herbal medicines
»Feature: PITAHC herbal plant in Eastern Visayas, a medical tourism destination
»PNoy leaves for Japan to attend APEC summit
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines