Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 25 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/12

Tagalog News: National Abilympics, kasado na

Manila (12 November) -- Puspusan ang paghahanda ng National Council on Disability Affairs (NCDA) para sa Abilympics na gaganapin sa SM City Annex Activity Center sa ika 3 ng Disyembre kasabay sa paggunita ng International Day of Persons with Disabilities. Sa araw ding ito ay magkakaroon ng malakihang pagtitipon tipon ang sector ng mga taong may kapansanan sa nabanggit na lugar.

64 na PWDs o taong may kapansanan mula sa iba't ibang rehiyon ng bansa ang maglalaban laban. Ang mga mananalo sa paligsahang ito ay makikipagtagisan naman sa 8th International Abilympics (IA) na gaganapin sa Seoul Korea sa Setyembre ng susunod na taon. Ang tema ng National Abilympics na "unlimited challenges for the world," ay hango din sa tema ng International Abilympics na gaganapin sa Korea.

Hinati sa dalawang cluster ang 12 kategorya. Ang unang cluster ay tungkol sa leisure living na binubuo ng Cooking, Cake Decoration, Photography, Painting, Waste Recycling at Floral Arrangement. Ang pangalawang cluster naman ay may kaugnayan sa gamit ng computer: Web Pages Creation, English Desktop Publishing, Computer Assembly, Poster Design, CAD Architecture at English Word Processing.

Magkatuwang ang NCDA, Department of Social Welfare & Development (DSWD), Technology and Skills Development Authority (NCDA) at mga LGUs sa pagpili ng mga lalahok sa paligsahang ito. Binigyan din sila ng karagdagang pagsasanay ng mga naturang ahensiya.

Ang Abilympics ay hinango sa salitang Olympics at abilidad. Ito ay tagisan ng abilidad at kakayahan ng mga taong may kapansanan at ginaganap bawat apat na taon. Layunin ng gawaing ito na maipakita sa lahat na hindi balakid ang kapansanan upang magkaroon ng maayos na buhay, magtaggumpay sa kanilang mga mithiin at sumabay sa daloy ng normal na pamumuhay.

Mula taong 1991 nang magsimulang magpadala ang Pilipinas ng mga kalahok para sa International Abilympics. Hindi man nagtamo ng mga pangunahing premyo, isang malaking karangalan pa rin para sa ating bansa na maipakita ng ating mga PWDs ang kanilang kagalingan kahit sila'y may kapansanan. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PCOO creates Central Communications Desk
»Minimum wage earners in Central Luzon to get P14 increase
»Kalinga province is now insurgency free
»Army troops overrun communist terrorist camp in Lacub, Abra
»Davao eyes non-voice BPO industry
»P-P partnership in advocating biodiversity
»Farmers, gov't join forces in promoting organic farming
»RH bill advocates to Bishops: Don't go low, be respectable, and be constructive
»Senate defense committee approves increase of combat duty pay
»About P20-billion eyed as DATE windfall
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines