Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 20 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/18

Tagalog News: Ilan sa major infrastructure projects ng administrasyong Aquino ilulunsad ngayong araw

Manila (18 November) -- Nakatakdang ilunsad ngayong araw ang ilan sa mga major infrastructure projects ng administrasyong Aquino na isasailalim sa public-private partnership program (PPP).

Ito ang Ninoy Aquino International Airport Expressway link, MRT 7, Central Luzon Expressway at ang 41.8 kilometrong Cavite-Laguna Expressway (CALA).

Ayon sa Pangulo, ang NAIA Expressway link ang kokonekta sa Andrews Air Base ng Villamor sa coastal side ng Cavite simula sa Bacoor hanggang sa CALA Expressway habang ang 23 kilometrong MRT-7 naman ay may 14 na istasyon na magsisimula sa Quezon city at magtatapos sa lungsod ng San Jose del Monte sa Bulacan.

Samantala, ang Central Luzon Expressway ay ma-u-umpisa sa Metro Manila at magtatapos sa Cagayan Valley.

Sinabi ng Chief Executive na malaki ang maitutulong ng mga proyekto upang madecongest ang Kamaynilaan at makahikayat ng mas marami pang mamumuhunan.

Ang paglulunsad ng mga nasabing proyekto ang highlight ng tatlong araw na Public-Private Partnership conference na idinaraos ngayon sa Marriot Hotel sa lungsod ng Pasay.

Matatandaang i-rene-organize ng Pangulo sa pamamagitan ng Executive Order No.8 ang nooy Built-Operate and Transfer Center at binigayan ito ng bagong pangalan na Public-Private Partnership Center of the Philippines.

Inilipat rin ng EO ang pangangasiwa ng center sa National Economic and Development Authority mula sa Department of Trade and Industry upang mas mapabilis ang financing, construction at operation ng mga key government infrastructure projects na ilalagay sa ilalim ng naturang programa. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Vilma Santos-Recto, keynote speaker sa pagbubukas ng 5th OTOP Luzon Island Fair ngayong araw
»Tagalog News: Ilan sa major infrastructure projects ng administrasyong Aquino ilulunsad ngayong araw
»Peace officer gets first star
»3 nabbed in Davao for drug pushing
»China eyes Tagum City as culture and commerce center
»PNoy launches country's first electronic payments processing center
»PDEA 8 highlights Drug Abuse Prevention Week by burning cocaine bricks from Eastern Samar
»PNoy hopeful PPP will get support from major stakeholders
»PNP chief Bacalzo graces meeting of Peace and Order Council in Region 8
»New DENR XII chief assumes post
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines