Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/26

Tagalog News: Paglipat sa OP ng PCSO, may lagda nina Ona, Juico

Manila (26 November) -- Ang paglilipat ng pamamahala ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa Office of the President ay may basbas pareho nina Health Secretary Enrique Ona at PCSO Chairman Margarita Juico, na silang nagrekomenda sa plano apat na buwan na ang nakararaan.

Sa panayam sa telepono kay Ona, sinabi nitong siya ang nagmungkahi sa pag-transfer ng naturang tanggapan dahil hindi ang Department of Health ang kagawarang nararapat na mamahala sa paglikom ng pondo sa pamamagitan ng lotto na siyang nasa mandato ng PSCO.

"But in the allocation of funds that is where we must be consulted," ani Ona.

Ayon naman kay Juico, nauna niyang isinangguni sa Office of the Executive Secretary at sa mga abogado ng OP ang legal mandate ng PSCO at nalamang higit na nararapat itong pamahalaan ng Office of the President batay sa mismong charter ng ahensiya.

Sa ilalim ng Executive Order 14, sinabi ng Pangulong Aquino na mayroong "need of placing back to OP the control and supervision over PCSO." Gayundin, upang matiyak ang "effective implementation of his social agenda, and to effectively facilitate as well the health services and charity programs" ng kanyang tanggapan.

Binanggit din ng Pangulo ang Section 31 ng Administrative Code of 1987 kung saan may kapangyarihan ang OP na pamunuan ang anumang tanggapan mula sa ibang mga kagawaran at ahensya.

Laman din ng naturang EO na noong nilikha ang PSCO sa pamamagitan ng Republic Act 1169, ang pamamaha rito ay nasa ilalim na ng OP.

Subalit noong Nobyembre 8, 2004, sa pamamagitan ng EO No. 38u3, inilipat ang pamamahala ng PSCO sa Department of Social Welfare at sa Department of Health naman noong Agosoto 22, 2005 base na rin sa EO 455.

"One of the main objectives of the OP is to enhance the health services and charity programs to the public as well as to immediately respond to calamities, disaster relief and emerging illnesses," anang Pangulo.

Gayundin, saad pa ng EO, "to ensure the effective implementation of the social agenda of the President and to effectively facilitate the health services and charity programs of OP there is need to return PCSO to the Office of the President." (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Nueva Ecija joins fight for poor people's resilience to climate change
»DILG sets dates for SK municipal, city, provincial, national federation elections
»Tagalog News: Plenary debates ng 2011 national budget maaring mapanood ng live sa official website ng Senado
»Tagalog News: Mayon volcano at iba pang prominenteng tourist spots ng Pilipinas tampok sa mga redesigned na perang papel na ilalabas ng BSP ngayong Disyembre
»DTI bullish on more exports under free trade agreements
»Davao brings anti-terror campaign to grassroots
»DCOTT chief bewails pickup system
»Biodiversity Summit in Davao Region set
»Eco-tours, caving sked on fruit season
»Kapalong revives info quiz
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines