Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 19 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/26

Tagalog News: Quarterly contributions ng self-employed members sa Philhealth itinaas sa P600

Manila (26 November) -- Simula nitong last quarter ng 2010, itinaas na ng Philhealth ang quarterly contribution ng mga self-employed at voluntary members nito.

Batay sa Philhealth Circular No. 24 series of 2010 ang mga self-employed at voluntary members na may income na P25,000 o mahigit pa ay magbabayad na ng P600 bawat tatlong buwan o P2,400 sa isang taon. Sa taong 2012 itataas pa ang kanilang contributions sa P900 sa bawat quarter o P3,600 sa isang taon.

Samantala, ang mga self-employed at voluntary members na may average family income na hindi lalampas sa P25,000 ay magbabayad pa rin ng P300 per quarter o P1,200 sa bawat taon.

Inihayag ni Philhealth 12 Field Operations Chief, Dr. Miriam Grace Pamonag na inabisuhan na nila ang mga business owners hinggil sa bagong patakaran ng Philhealth. Maapektuhan din ng bagong premium ang mga Philheath accredited health care providers katulad ng mga doktor at dentista, pati na rin ang mga abugado, inactive members at mga bagong miyembro.

Ang lahat na individually paying members (IPMs) at mga bagong enrollee sa Philhealth ay inaatasang magparehistro gamit ng bagong Philhealth Member Registration Form (PMRF). Ang mga professionals ay kailangang magsumite rin ng photocopy ng kanilang Professional Regulation Commission (PRC) ID samantalang ang iba ay kailangang magsumite ng kopya ng kanilang business permit.

Ang mga miyembrong magdedeklara ng monthly family income na mas mababa sa P25,000 ay kailangang magsumite ng photocopy ng kanilang income tax return o ITR o Community Tax Certificate (CTC). (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Nueva Ecija joins fight for poor people's resilience to climate change
»DILG sets dates for SK municipal, city, provincial, national federation elections
»Tagalog News: Plenary debates ng 2011 national budget maaring mapanood ng live sa official website ng Senado
»Tagalog News: Mayon volcano at iba pang prominenteng tourist spots ng Pilipinas tampok sa mga redesigned na perang papel na ilalabas ng BSP ngayong Disyembre
»DTI bullish on more exports under free trade agreements
»Davao brings anti-terror campaign to grassroots
»DCOTT chief bewails pickup system
»Biodiversity Summit in Davao Region set
»Eco-tours, caving sked on fruit season
»Kapalong revives info quiz
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines