Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/26

Tagalog News: Christmas activities sa Batangas, aarangkada na

by Ronna Endaya Contreras

Batangas City (26 November) -- Isang naiibang pagdiriwang ng Kapaskuhan ang handog ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa mga Batangueno ngayong taon.

Aalingawngaw ang mga awitin at tugtuging pamasko sa Lungsod simula sa December 1 na maririnig sa kahabaan ng P. Burgos at Rizal Avenue mula 6:30-9:00am, 11:00-1:00am at 5:00-7:00pm.

Isasabit na rin ang 150 parol na yari sa kawayan at ang mga anghel na yari sa indigenous materials sa harap ng mga establisyimento.

Mula sa nakagawiang Children's Christmas Parade taun-taon, isang karnabal ang nakatakdang isagawa sa ika-15 ng Disyembre na tatampukan ng isang Christmas show ng magician at ventriloquist na si Ruther, isa sa mga finalist ng reality talent show na Pilipinas Got Talent.

Nag-imbita din ng mga stilt walkers, fire breathers, jugglers at mascots na tiyak na kaaaliwan ng mga bata.

Ito ay gaganapin sa Plaza Mabini Amphitheater mula 2:30 hanggang 4:30 ng hapon.

Pagkatapos nito ay may libreng meryendang handog o Snacktime with Mayor Vilma sa City Hall Lobby.

Susundan ito ng Christmas Lights switching-on ceremony at pict taking with Santa Claus sa entrance ng Plaza Mabini. Kung dati ay Batanguenong Santa Claus ang makikita, isang foreign national mula Netherlands ang magbibigay aliw sa madla.

Samantala, mula ika-16 hanggang ika-22 ng Disyembre ay gaganapin ang Pamaskong Pagtatanghal sa Plaza Mabini Amphitheater kung saan ibat-ibang klase ng palabas ang itatampok.Ito ay mapapanood mula ala-sais hanggang ika-7:30 ng gabi.

Ballet show mula sa Sur Les Pointes, Filipino Music mula sa Serenata, drama mula sa Tanghalang Dalwa Singko ng University of Batangas, Folkdance mula sa Lahing Batangan Dance Troupe ng Lyceum of the Phils. University-Batangas, Pop music mula sa Jinky Maranan Macario Studio, contemporary music mula sa Tempo, VIP at Danztek at film showing mula kay Arch. Larry Pulumbarit.

Samantala, anim na chorale groups ang magtatanghal sa taunang Christmas Carol Chorale Festival sa ika-15 ng Disyembre pagkatapos ng switching ng Christmas lights.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay Pagbibigayan ang Nagbibigay Ningning Sa Pasko sa Lungsod ng Batangas. (PIO Batangas City/PIA Batangas) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Nueva Ecija joins fight for poor people's resilience to climate change
»DILG sets dates for SK municipal, city, provincial, national federation elections
»Tagalog News: Plenary debates ng 2011 national budget maaring mapanood ng live sa official website ng Senado
»Tagalog News: Mayon volcano at iba pang prominenteng tourist spots ng Pilipinas tampok sa mga redesigned na perang papel na ilalabas ng BSP ngayong Disyembre
»DTI bullish on more exports under free trade agreements
»Davao brings anti-terror campaign to grassroots
»DCOTT chief bewails pickup system
»Biodiversity Summit in Davao Region set
»Eco-tours, caving sked on fruit season
»Kapalong revives info quiz
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines