Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/26

Tagalog News: Unang batch na nagtapos sa CLB, sertipikadong guro na

by Marie V. Lualhati

Batangas City (26 November) -- Mahigit sa 31% ng unang graduates ng Bachelor of Science in Elementary Education sa Colegio ng Lungsod ng Batangas noong Marso ang nakapasa sa Licensure Examinations for Teachers o LET na isinagawa noong Setyembre ng taong kasalukuyan.

Ang 14 na nakapasang examinees ay isa isang ipinakilala ni City Administrator Philip Barroja matapos ang flag ceremony ng mga Kawani noong Lunes.

May 53 mag-aaral ang nagtapos ng BS Elementary Educatiom na kabilang sa mga unang graduates ng four-year courses sa CLB. May 45 ang kumuha ng LET kung saan 14 ang pumasa kabilang dito ang cum laude na si Maria Edeza M. Belela.

Sinabi ni Dr. Fely Adarlo, program head ng BS Teacher Education, na nasisiyahan siya na nahigitan nito ang requirement ng Commission On Higher Education o CHED na at least 10% passing rate. Mas mataas rin ito kumpara sa 19% passers sa kumuha ng licensure exam sa buong Pilipinas.

Malaki ang naging suporta ng CLB at pamahalaang Lungsod ng Batangas upang maisiguro ang tagumpay ng mga graduates. Nagkaloob ang mga ito ng libreng review classes simula pa nang sila ay third year college. Ang review classes ay isinagawa mismo sa CLB, sa halip na ang mga graduates ay pumunta pa at umupa ng tirahan sa Maynila. Nagtulong tulong naman ang mga teachers ng CLB sa pagtuturo sa mga ito.

Ipinagmamalaki rin ni Adarlo, na halos lahat ng graduates ng BS Elem Education ay kasalukuyang may trabaho na. Aniya, ilan pa ring unibersidad dito sa lungsod at karatig bayan ang tumatawag sa kanila para sa kanilang pangangaillangang guro.

Ang CL B ay itinayo ni Mayor Eddie Dimacuha noong 2006 bilang katuparan ng kanyang pangarap na makapagbigay ng libreng college education sa mga higit na nangangailangan subalit karapatdapat na maging iskolar ng lungsod upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan. (PIO Batangas City/PIA Batangas) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Nueva Ecija joins fight for poor people's resilience to climate change
»DILG sets dates for SK municipal, city, provincial, national federation elections
»Tagalog News: Plenary debates ng 2011 national budget maaring mapanood ng live sa official website ng Senado
»Tagalog News: Mayon volcano at iba pang prominenteng tourist spots ng Pilipinas tampok sa mga redesigned na perang papel na ilalabas ng BSP ngayong Disyembre
»DTI bullish on more exports under free trade agreements
»Davao brings anti-terror campaign to grassroots
»DCOTT chief bewails pickup system
»Biodiversity Summit in Davao Region set
»Eco-tours, caving sked on fruit season
»Kapalong revives info quiz
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines