Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 20 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/26

Tagalog News: Drug symposium seminar inilunsad ng PPO sa Dagupan

Ni Eme M. Ballesteros

Dagupan City (26 Nobyembre) -- Nagsagawa ang Pangasinan Police Office ng drug symposium seminar para sa mga mag-aaral sa Judge Jose de Venecia Memorial National High School sa barangay Bulusan ng lungsod ng Dagupan, ayon kay Supt. Gerardo Roxas, police community relations officer ng PPO.

Layunin ng symposium na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga kabataan ukol sa epekto ng droga.

Sinabi ni Roxas na ginagawa nila ang ganitong seminar upang di na malulong ang mga kabataan sa droga di lamang sa lungsod kundi maging sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Ang nakapaloob sa symposium ay ang pagtalakay sa lahat ng uri ng droga. Kailangan itong talakayin upang hindi na subukan ng mga kabataan ang paggamit ng droga, sabi pa ni Roxas.

Aminado si Roxas na may mga kabataan silang nahuhuli na lulong sa paggamit ng droga batay na rin sa mga kasama nilang ahensiya tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency, Provincial Anti-Illegal Task Force at Philippine National Police.

Dagdag pa ni Roxas na ang naturang symposium ay paghikayat sa mga kabataan na agad na makipag-ugnayan sa pulis kung may nasaksihan krimen.

Ito ang kauna-unahang paglunsad ng PNP ng drug symposium seminar sa lungsod at nais nilang ituloy-tuloy sa lahat ng bahagi ng lalawigan. (PIA Pangasinan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Nueva Ecija joins fight for poor people's resilience to climate change
»DILG sets dates for SK municipal, city, provincial, national federation elections
»Tagalog News: Plenary debates ng 2011 national budget maaring mapanood ng live sa official website ng Senado
»Tagalog News: Mayon volcano at iba pang prominenteng tourist spots ng Pilipinas tampok sa mga redesigned na perang papel na ilalabas ng BSP ngayong Disyembre
»DTI bullish on more exports under free trade agreements
»Davao brings anti-terror campaign to grassroots
»DCOTT chief bewails pickup system
»Biodiversity Summit in Davao Region set
»Eco-tours, caving sked on fruit season
»Kapalong revives info quiz
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines