Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/30

Tagalog News: Batasang Panlalawigan itatayo sa Calapan City

Ni Tom L. Lago

Calapan City (30 November) -- Isang malaki at "state-of-the-art" legislative building ang sisimulan ng itayo sa harapan ng provincial capitol compound sa Calapan City.

Nag-ground breaking kamakailan kasabay ng makasaysayang pagdiriwang ang mga pinuno ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno nina Oriental Mindoro Gov. Alfonso V. Umali, Jr. at Vice-Gov. Humerlito A. Dolor para sa nasabing legislative building.

"Matagal at marami nang mga opisyal ng ating pamahalaan ang nangarap na maitayo ang isang maayos at presentableng legislative building pero dahil sa maraming factors ay hindi ito matuloy-tuloy," ayon kay Dolor, vice chairman ng Vice Governors' League of the Philippines.

Ayon pa sa opisyal, "maswerte tayo at magkakaroon na ng katuparan ang matagal ng pangarap na ito sa tulong nina Gov. Umali Jr., Pangulong Noynoy Aquino at iba pang opisyal ng ating pamahalaan."

Ang pagtatayo sa dalawang palapag na gusali na kapalit ng lumang Benigno Aquino Hall sa naturang lugar ay inisyatiba ni Bise Gobernador Dolor na naging kasapi rin ng Sangguniang Panlalawigan simula noong ito'y pangulo pa ng Sagguniang Kabataan Federation ng lalawigan.

Sinabi ni Dolor, presiding officer ng SP at pinuno ng legislative department na nangako ng P10 milyon si Pangulong Aquino para sa makasaysayang sangay ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ni Gobernador Umali na siya ring pangulo ng Liga ng mga Gobernador sa bansa.

"Yes, tiniyak sa akin ni Pangulong Noy (Aquino) na maglalaan ng pondo ang kanyang tanggapan para sa legislative building. Maswerte tayo at malapit tayo sa puso ng ating pangulo," ani Umali.

Meron na ring nakalaang P10 milyon para sa 2010 annual budget ng Kapitolyo para sa pagpapasimula ng gusali. Dagdagan pa ito ng P10 M mula sa 2011 budget ng pamahalaang panlalawigan maliban pa rito ang pangakong ayudang pinansyal nina Congressmen Rodolfo G. Valencia at Reynaldo V. Umali ng una at segunda distrito ng lalawigan.

Ang Batasang Panlalawigan ang magiging opisyal na tanggapan ng bise gobernador at matatagpuan din dito ang session hall at tanggapan ng board members ng SP, extension offices ng dalawang kinatawan ng lalawigan sa Kongreso, provincial library, Oirental Mindoro Blood Council, vice-mayors league at conference rooms.

"Nagpundar tayo sa ganitong investment sapagkat ito'y magiging bahagi ng kasaysayan hindi lamang ng pamahalaan panlalawigan kundi ng buong Oriental Mindoro. It is part of our dreams na hopefully ay mag-iiwan ng legacy from our generation to next generations," diin ng pinuno ng legislative department. (Islander's Herald) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOLE iginiit na hindi nangangailagan ng Filipino nurses ang Israel
»Tagalog News: DSWD Sec. Soliman, nakiusap na wag bigyan ng pera ang mga batang lansangan na nagcacarolling sa daan
»Government calls for intensified breastfeeding promotion among pregnant women
»Leyte dad joins high-level confab for nat'l land use policy
»Cebuano News: Palasyo nagsiguro nga ipadayon ang panagsabot sa kalinaw tali sa mga rebelde, MILF
»Cebuano News: Pilipinas mikondena sa pag-atake sa North Korea sa South Korea
»Cebuano News: DOLE nag-ingon nga dili kinahanglan ang mga Filipino nars sa Israel
»Cebuano News: Presidente Aquino midepensa sa pag-iban sa budget sa SUCs
»Waray-Waray News: Aquino gindepensahan an pag-iban san budget san state universities
»Caraga Region: Sweet 16 on 2011
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines