Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/30

Tagalog News: Quezon prov'l child labor committee, dumalo sa paralegal training on child labor

by Ruel M. Orinday

Lucena City (30 November) -- Isinagawa ng International Labor Organization (ILO) sa pakikiisa ng Adhikain Para sa Karapatang Pambata (AKAP) ang'Paralegal Training on Child Labor' sa Montevista Resort, Pansol Laguna noong Nobyembre 23-24, 2010 na dinaluhan ng mga miyembro ng Quezon Provincial Child Labor Committee.

Sinabi ni Ma. Cecilia B. Colarina ng ILO-IPEC Field Office na nakabase sa lungsod ng Lucena, na bago pa man isagawa ang nasabing training ay nakapagsagawa na rin sila ng mga consultative meeting kasama ang iba't-ibang ahensiya ng pamahalaan kagaya ng DSWD, PNP at iba pang ahensiya hanggang sa mabuo ang Provincial Committee on Child Labor.

Pangunahing layunin ng komitiba na matulungan ang mga batang biktima ng sapilitang pagtratrabaho na mapanganib sa kalusugan ng mga bata at paglabag sa mga karapatang pambata sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba't-ibang mga serbisyo sa mga biktima. Layunin din nito na malimitahan o mapigilan ang paglaganap ng kaso ng child labor sa lalawigan ng Quezon.

Samantala, nagging tampok sa dalawang araw na pagsasanay na pinangunahan ng mga taga AKAP bilang mga resource speaker ang pagtalakay ng mga sumusunod: Child Labor Situationer; Review of the ILO Convention on Child Labor; Overview of the Philppine Justice System; R.A 9231 and Related laws; Administrative Remedies in child labor cases at Overview of the Criminal Procedure under R.A 9231; Conducting child appropriate interviews at ang paggawa ng sinumpaaang salaysay o affidavit na isang paraan upang matulungan ang mga batang biktima ng child labor.

Kabilang sa mga naging resource speaker dito sina Atty. Patty Sison Arroyo, Eunice Go at Kris Buenaventura na pawang mga taga AKAP -AHRC. Dumalo din dito si G. Giovanni Soledad, Project Manager, ILO- IPEC Project. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOLE iginiit na hindi nangangailagan ng Filipino nurses ang Israel
»Tagalog News: DSWD Sec. Soliman, nakiusap na wag bigyan ng pera ang mga batang lansangan na nagcacarolling sa daan
»Government calls for intensified breastfeeding promotion among pregnant women
»Leyte dad joins high-level confab for nat'l land use policy
»Cebuano News: Palasyo nagsiguro nga ipadayon ang panagsabot sa kalinaw tali sa mga rebelde, MILF
»Cebuano News: Pilipinas mikondena sa pag-atake sa North Korea sa South Korea
»Cebuano News: DOLE nag-ingon nga dili kinahanglan ang mga Filipino nars sa Israel
»Cebuano News: Presidente Aquino midepensa sa pag-iban sa budget sa SUCs
»Waray-Waray News: Aquino gindepensahan an pag-iban san budget san state universities
»Caraga Region: Sweet 16 on 2011
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines