Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/30

Tagalog News: Pagbabawal ng paputok sa Caloocan, pinaigting

Manila (30 November) -- Ipinag-utos ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang higit pang pagpapaigting sa kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa mga nagtitinda ng ipinagbabawal na paputok ngayong nalalapit na ang paggunita sa Pasko at Bagong Taon.

Sa direktibang ito ni Echiverri, inatasan ng alkalde ng lokal na pulisya, mga tauhan ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) at iba pang departamento na manmanan ang mga nagtitinda sa palengke at iba pang pamilihan kung may nagtitinda ng mga ipinagbabawal na paputok.

Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang watusi at piccolo na kinagigiliwan ng mga kabataan ngunit masama naman ang maaaring maging epekto sa kalusugan ng mga ito sakaling maisubo ng bata.

Bukod dito, ipinagbabawal din sa nasabing lungsod ang pagtitinda ng mga malalakas na klase ng paputok na maaaring maging dahilan upang makapinsala sa kabuhayan at buhay ng mga residente.

Matatandaan na naglabas na rin ng babala ang Department of Health (DOH) tungkol sa maaaring maging epekto ng mga ipinagbabawal na paputok sa katawan ng tao lalo sa mga batang makakasubo ng watusi at piccolo.

Maaari ring pagmulan ng sunog ang mga nabanggit na paputok kaya't maging ang Bureau of Fire and Protection (BFP) ay lubusan ding nakikiusap sa mga residente na iwasang magpaputok sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.

Kasabay nito, binalaan na rin ni Echiverri ang mga negosyante na magtitinda ng mga ipinagbabawal na paputok na maaaring makasuhan ang mga ito sakaling magmatigas pa ring magbenta ng mga iligal na paputok.

"Isaalang-alang sana natin ang kaligtasan ng bawat-isa at isipin din natin na dahil lamang sa maliit na kikitain ay malalagay sa panganib ang buhay ng ating mga kababayan at kung minsan ay sa sarili pa nating pamilya", sabi pa ni Echiverri. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOLE iginiit na hindi nangangailagan ng Filipino nurses ang Israel
»Tagalog News: DSWD Sec. Soliman, nakiusap na wag bigyan ng pera ang mga batang lansangan na nagcacarolling sa daan
»Government calls for intensified breastfeeding promotion among pregnant women
»Leyte dad joins high-level confab for nat'l land use policy
»Cebuano News: Palasyo nagsiguro nga ipadayon ang panagsabot sa kalinaw tali sa mga rebelde, MILF
»Cebuano News: Pilipinas mikondena sa pag-atake sa North Korea sa South Korea
»Cebuano News: DOLE nag-ingon nga dili kinahanglan ang mga Filipino nars sa Israel
»Cebuano News: Presidente Aquino midepensa sa pag-iban sa budget sa SUCs
»Waray-Waray News: Aquino gindepensahan an pag-iban san budget san state universities
»Caraga Region: Sweet 16 on 2011
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines