Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/30

Tagalog News: School-based management program pinalalakas ng DepEd

Manila (30 November) -- Sa layong makamit ng Pilipinas ang quality Education for All (EFA) goal sa taong 2015, nanawagan si Education Secretary Armin Luistro sa lahat na school principals na maging "proactive" sa pamumuno sa kani-kanilang mga paaralan.

Sinabi ni Secretary Luistro, nakaatang sa balikat ng mga punong-guro ang isang dakilang responsibilidad na suguraduhin ang maayos na pamamalakad sa mga paaralan at seguraduhin na nabibigyan ng pinakamabuting edukasyon ang halos 25 milyong mag-aaral sa bansa.

Dahil dito, pinalalakas ngayon ng DepEd ang desentralisasyon ng pagpaplano, pamamahala, at pagpapa-unlad sa mga paaralan batay sa prinsipyo ng school-based management (SBM).

Ani Luistro, sa pamamagitan ng tamang decentralization policies, mapalalakas ng DepEd ang kapasidad ng kanilang mga tauhan na gampanan ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng decentralized system.

Ang SBM ay isang importanteng bahagi ng programa ng DepEd na Basic Education Sector Reform Agenda o BESRA.

Sa ilalim ng naturang programa, malaya ang mga school heads na subukan ang mga pamamaraang makatutulong na mapaunlad ang kanilang paaralan at makapagtatag ng linkages sa lokal na pamahalaan at sa private sector. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOLE iginiit na hindi nangangailagan ng Filipino nurses ang Israel
»Tagalog News: DSWD Sec. Soliman, nakiusap na wag bigyan ng pera ang mga batang lansangan na nagcacarolling sa daan
»Government calls for intensified breastfeeding promotion among pregnant women
»Leyte dad joins high-level confab for nat'l land use policy
»Cebuano News: Palasyo nagsiguro nga ipadayon ang panagsabot sa kalinaw tali sa mga rebelde, MILF
»Cebuano News: Pilipinas mikondena sa pag-atake sa North Korea sa South Korea
»Cebuano News: DOLE nag-ingon nga dili kinahanglan ang mga Filipino nars sa Israel
»Cebuano News: Presidente Aquino midepensa sa pag-iban sa budget sa SUCs
»Waray-Waray News: Aquino gindepensahan an pag-iban san budget san state universities
»Caraga Region: Sweet 16 on 2011
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines