Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/30

Tagalog News: DOH hinikayat na repasuhin ang organ donation policy

Manila (30 November) -- Hiniling ng Philippine Medical Association (PMA) sa Department of Health (DOH) na repasuhin ang mga polisiya ng bansa hinggil sa organ donation.

Sa isang sulat kay Health Secretary Enrique Ona, iginiit ni Dr. Oscar Tinio, pangulo ng PMA, na maraming-marami na ang mga pasyente sa bansa ang nahihintay na magkakaroon ng pagkakataon na maooperahan at mabigyan ng pagkakataon ng madugtungan ang buhay sa pamamagitan ng donor organs.

May shortage na umano para sa mga donor ng donated human kidney sa bansa. Mas pinalalala pa ang sitwasyon ng polisiya ng pamahalaan na limitahan ang organ donation sa related donors, deceased donors, at directed non-related donors.

Panawagan ni Tinio sa DOH na ire-assess ang polisiya ng DOH sa pag-ban ng non-related donors.

Matatandaang ipinatupad ng DOH ang ban sa non-related donors dahil sa lumabas na mga reports nang malawakang bentahan ng mga kidney sa mga mahihirap na residente sa Baseco Compound sa Tondo.

Tinagurian din ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas bilang global trafficking hot spot na naglagay sa Pilipinas sa top-five kidney-trading countries noong 2007. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOLE iginiit na hindi nangangailagan ng Filipino nurses ang Israel
»Tagalog News: DSWD Sec. Soliman, nakiusap na wag bigyan ng pera ang mga batang lansangan na nagcacarolling sa daan
»Government calls for intensified breastfeeding promotion among pregnant women
»Leyte dad joins high-level confab for nat'l land use policy
»Cebuano News: Palasyo nagsiguro nga ipadayon ang panagsabot sa kalinaw tali sa mga rebelde, MILF
»Cebuano News: Pilipinas mikondena sa pag-atake sa North Korea sa South Korea
»Cebuano News: DOLE nag-ingon nga dili kinahanglan ang mga Filipino nars sa Israel
»Cebuano News: Presidente Aquino midepensa sa pag-iban sa budget sa SUCs
»Waray-Waray News: Aquino gindepensahan an pag-iban san budget san state universities
»Caraga Region: Sweet 16 on 2011
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines