Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/12/03

Tagalog News: "Paskong Ligtas sa Batang Kalye" inilunsad ng DSWD

Manila (3 December) -- Ipinahayag kamakalawa ni DSWD Kalihim Dinky Soliman sa ginanap na consultation-dialogue sa Max Restaurant na kaniyang ipinagbabawal ang pagkakaroling at pamamalimos sa mga pangunahing lansangan. Ang kautusang ito ay naglalayong maging ligtas ang Pasko para sa mga batang lansangan na dumaraming naglilipana tuwing kapaskuhan.

Ang nasabing konsultasyon ay dinaluhan ng mga Welfare Officers ng iba't ibang lugar sa kamaynilaan,opisyales ng Metro Manila Development Authority (MMDA), at ng mga local chief executives.

Sinabi ni Kalihim Soliman na ang programa ay isang pagtutulungan kung saan magiging kabahagi sa gawain ang mga kabataang volunteer s, mga eskuwelahan, non government at youth organizations at mga Corporate Foundations.

Ang programa ay magbibigay ng mga gawaing mapagkakakitaan ng mga batang lansangan maging ang kanilang mga magulang. Ang "Balik Probinsiya" ay isa ring pagtutuunan ng pansin upang ang mga pamilyang nagnanais bumalik sa kanilang mga probinsiya ay mabigyan ng katuparan.

Ang "Adopt The Street" ay isa sa mga serbisyong ibibigay ng nasabing programa. Natukoy na ang mga kalsadang pinamumugaran ng mga street families sa ginanap na Rapid Appraisal Data ng kagawaran at ang mga ito ang pangunahing ikokonsidera.

Mga serbisyong misyong medikal, gift giving, shelter assistance, pamamahagi ng pang noche buena, arts and craft lessons at mga gawaing pagkakakitaan ang mga programang nakalaan sa mga batang o pamilyang lansangan.

Magkakaroon din ng mga insentibo ang batang sumali sa mga aktibidades na ito upang lalo silang maakit na umalis sa mga lansangan.

Dagdag ng kalihim na hindi ito solusyon sa dumaraming bata at pamilyang lansangan manapat isang hakbangin tungo sa isang sustenable at permanenteng solusyon upang tuluyan nang talikuran nila ang lansangan. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Sta Ana fishermen save trapped dolphins anew
»Feature: DOLE sets month-long celebration of 77th anniversary
»Davao City's Sta Ana police station tops child-friendly station tilt
»Creativity, a bright spot for Davao software developers
»Stakeholders likely to accept copper-gold mining sub-project
»Grand musical fountain in lieu of fireworks installed
»Pizza Hut, Taco Bell boost UN WFP assistance for school children in conflict-affected Mindanao
»Soldiers join peace caravan
»UIC grand alumni homecoming on December 8
»KALAHI-CIDSS training for Region-XI held
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines