Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/12/03

Tagalog News: City treasurer ng Parañaque bagsak sa 'lifestyle check'

Manila (3 December) -- Patong-patong na kaso ang isinampa ng Department of Finance (DOF) laban sa city treasurer ng Parañaque dahil sa hindi maipaliwanag na yaman base sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Nitong Martes, isinampa ng Revenue Integrity Protection Service (RIPS) ng DOF ang mga kasong kriminal at administratibo laban kay City Treasurer Jesusa Enriquez Cuneta sa Office of the Ombudsman.

Sabi ng DOF, sumabit si Cuneta sa isinagawa nilang lifestyle check dahil bagama't P25,000 lamang ang tinatanggap nitong sweldo kada buwan ay nakitaan nila ito ng hindi maipaliwanang na yaman na tulad na lamang ng pagbibiyahe sa ibang bansa ng 49 beses mula 1997 hanggang 2008.

Base sa nakalap nilang record ng Bureau of Immigration, bumiyahe si Cuneta patungong Hong Kong, Bangkok sa Thailand, at Frankfurt sa Germany nang 49 beses mula sa taong 1997 hanggang 2008 sa kabila ng kawalan ng kinakailangang travel authority mula sa DOF.

Bukod dito, nagmamay-ari raw si Cuneta ng mga prime property sa Makati at Las Piñas, bahay at lupang may swimming pool sa Miramonte Village at malalawak na lupaing nagkakahalaga ng P1.8-milyon sa Laguna Hills-Pansol sa Calamba, Laguna.

Gayundin, nakabili raw si Cuneta ng iba't ibang mamahaling sasakyan tulad ng Suzuki Grand Vitara, Suzuki Jimny, Mitsubishi Colt Lancer, Mitsubishi Pajero at Yamaha motorbike na ipinangalan sa kanyang mga magulang.

Lumitaw din sa kanilang imbestigasyon na walang kakayahang makabili ng ganitong mga ari-arian ang mga magulang ni Cuneta.

Kaugnay nito, hiniling ng DOF sa Ombudsman na patawan si Cuneta ng anim na buwang preventive suspension habang iniimbistigahan ang kaso. Kapag napatunayan namang nagkasala ang opisyal ay kaagad na matatanggal ito sa pagseserbisyo sa gobyerno bukod sa pagkuha ng pamahalaan sa kanyang mga umano'y ill-gotten wealth.

Kabilang sa mga kasong kakaharapin ni Cuneta ang mga paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019) gayundin sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713). (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Sta Ana fishermen save trapped dolphins anew
»Feature: DOLE sets month-long celebration of 77th anniversary
»Davao City's Sta Ana police station tops child-friendly station tilt
»Creativity, a bright spot for Davao software developers
»Stakeholders likely to accept copper-gold mining sub-project
»Grand musical fountain in lieu of fireworks installed
»Pizza Hut, Taco Bell boost UN WFP assistance for school children in conflict-affected Mindanao
»Soldiers join peace caravan
»UIC grand alumni homecoming on December 8
»KALAHI-CIDSS training for Region-XI held
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines