Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 22 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/12/03

Tagalog News: 9-over-12 simula July 2011, bagong polisiya ng PhilHealth

Calamba City (3 December) -- Simula July 1, 2011, ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ilalim ng Individually Paying Program at Employed Sector ay kinakailangang mayroong (9) siyam na buwang hulog ng kontribusyon sa PhilHealth sa loob ng labindalawang buwan bago ang pagkaka-ospital nito o kanyang mga qualified dependents upang magamit ang kanilang mga benepisyo sa mga akredited na ospital ng PhilHealth sa buong bansa.

Ang bagong polisiyang ito ay para sa mga miyembro o dependent na na-ospital, mga nagkaroon ng surgical at pregnancy-related procedures at sa mga kaso ng outpatient services gaya ng day surgeries, chemotherapy, radiotheraphy at iba pa.

"Ang polisiyang ito ay ayon sa probisyon ng National Health Insurance Act of 1995. Ito ay unang ipinatupad sa mga kaso na may kinalaman sa operasyon at panganganak simula noong 2003 para sa mga Individually Paying Members" ayon kay Dr. Rey B. Aquino, PhilHealth President at CEO. Dagdag pa niya "Kailangang ipatupad ng PhilHealth ang polisiyang ito upang mabigyan ng proteksyon ang mga miyembro" at ng "sa pamamagitan ng bagong polisiyang ito, mabibigyan ng proteksyon ang pondo sa maaaring maging maling paggamit nito".

Tinatawagan din ng circular na ito na ang mga miyembro na kumpletuhin ang "(9) siyam na buwang hulog ng kontribusyon sa PhilHealth ang isang miyembro sa loob ng labindalawang buwan bago ang pagkaka-ospital nito o kanyang mga qualified dependents upang magamit ang benepisyo ng PhilHealth. Kung sakaling kabilang ang sa 9 na buwang requirement ang buwan bago ma-confine, ang kontribusyon para sa buwan ng iyon ay dapat nabayaran niya bago ang date of confinement.

"Halimbawa, ang miyembro ay kinakailangang gumamit ng kanyang benepisyo sa PhilHealth sa July 15, 2011. Kaya naman, kinakailangan niyang maipakita ang proof of payment niya para sa (9) siyam na buwang hulog mula July 2010 hanggang June 2011, na siyang sakop ng (12) labindalawang buwan bago ang pagkaka-ospital" dagdag pa ni Aquino.

Kung ang miyembro ay hindi pa nakabayad ng kaniyang kontribusyon para sa June 2011, kinakailangan siyang makabayd bago sumapit ang July 15, 2011. "kung sakaling magbayad siya ay sa mismong araw ng pagkaka-ospital, ang naturang bayad ay hindi na maaaring ibilang ngunit magagamit niya sa mga susunod na pagkaka-ospital", paliwanag pa ni Aquino.

Ang bagong polisiyang ito ay hindi makakapekto sa mga miyembro ng PhilHealth sa ilalim ng Overseas Workers Program at Sponsored Program sapagkat ang kanilang paggamit ng benepisyo sa PhilHealth ay nakasalalay sa validity period na nakasaad sa Member Data Record (MDR) o ID cards. "Samantala, ang Lifetime Members ay makakagamit ng kanilang benepisyo ng hindi na nagbabayad ng kanilang kontribusyon" ayon pa sa kanya.

Ayon sa Implementing Rules and Regulation ng RA 7875 as amended, ang sufficient regularity & premium payment ay ang pagkakaroon ng (9) siyam na buwang hulog ng kontribusyon sa PhilHealth ang isang miyembro sa loob ng labindalawang buwan bago ang pagkaka-ospital nito. "Iniiwasan naming maulit ang kinagawian noon na ang isang miyembro ay nagbabayad lamang ng kanilang kontribusyon sa PhilHealth kung ito ay gagamit na ng benepisyo. Ito ay hindi makatarungan sa mga miyembro na tuloy-tuloy na nagbabayad ng kanilang kontribusyon sa PhilHealth. At kung ito ay magpapatuloy, ang pondo ng national health insurance ay maaapektuhan," ayon kay Aquino.

Kaugnay nito, ibinibigay ng PhilHealth ang sapat na subsidies para sa room and board, drugs and medicines, Xray at iba pang laboratory exams, bayad sa operating room, at professional fees ng duktor sa 1,336 PhilHealth-accredited na ospital sa buong bansa. (Philhealth 4A/PIA Calabarzon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Sta Ana fishermen save trapped dolphins anew
»Feature: DOLE sets month-long celebration of 77th anniversary
»Davao City's Sta Ana police station tops child-friendly station tilt
»Creativity, a bright spot for Davao software developers
»Stakeholders likely to accept copper-gold mining sub-project
»Grand musical fountain in lieu of fireworks installed
»Pizza Hut, Taco Bell boost UN WFP assistance for school children in conflict-affected Mindanao
»Soldiers join peace caravan
»UIC grand alumni homecoming on December 8
»KALAHI-CIDSS training for Region-XI held
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines