Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 20 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/12/06

Tagalog News: Pamahalaan umaasahang agarang maresolba ang isyu ng facilitation sa MILF talks

Manila (6 December) -- Inaasahan ng pamahalaan na mareresolba sa lalong madaling panahon ang isyu sa facilitation sa negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Atty. Marvic Leonen, chairman ng government peace panel na mas madaling masimulan ang exploaratory at formal talks kung maaayos na ang isyu sa facilitation. Mas madali rin umanong matugunan ang iba pang mahahalagang concerns hinggil sa procedures, security, at iba pa.

Si Atty. Leonen mismo ang nag-abot sa sulat ni Pangulong Benigno Aquino III para kay Malaysian Prime Minister Datuk Seri Najib Tun Razak kung saan binigyang-diin ng Pangulo na tapat ang Aquino administration sa layuning ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.

Handa na rin umano ang government panel sa pag-usapan ang mga isyu kabilang na ang mabigat na isyu ng ancestral domain at governance.

Hinihintay na lang ng government panel ang sagot ng Malaysia, Brunei, Libya, at Japan hinggil sa hiling ng Aquino administration na palawigin ng tatlong buwan ang tour of duty ng kani-kanilang kinatawan sa International Monitoring Team (IMT).

Magtatapos ang tour of duty ng kasalukuyang IMT sa ika-8 ng Disyembre, 2010. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Otoridad motabang sa imbestigasyon sa kalapasan sa tawhanong katungod
»Tagalog News: PNOY ginawaran ng parangal ang electric cooperatives na naging bahagi ng Task Force Kapatid
»Tagalog News: Malakanyang kumpyansa na mapipirmahan ni Pangulong Aquino ang 2011 national budget bago matapos ang taon
»PNoy cites Task Force Kapatid volunteer coops
»Palace congratulates Donaire for his victory over Sidorenko
»PRO1 aims for COPS 2011
»Commentary: CCT at work
»Waray-Waray News: Palasyo ikinalipay an bag-o nga travel advisories
»Waray-Waray News: Mga bag-o nga opisyal han DOT, IBP iginpublikar han Palasyo
»Waray-Waray News: Palasyo ginlamano hi Donaire kontra kan Sidorenko
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines