Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/12/06

Tagalog News: Dureza, 4 na iba pa kinilalang "Mindanao Peace Champions"

Koronadal City (6 December) -- Limang indibidwal, kabilang si dating Mindanao Development Authority (MinDA) chairman Jesus Dureza, ang kamakailan ay kinilala ng Action for Conflict Transformation (ACT) for Peace Programme bilang mga "Mindanao Peace Champions."

Kasama ni Dureza sa mga kinilala ng UN-sponsored ACT for Peace bilang "Mindanao Peace Champions" sina Lt. Gen. Raymundo Ferrer, commanding general ng Western Mindanao Command; Mary Ann Arnado, secretary general ng Mindanao People's Caucus;. Irene Santiago, chair ng Mindanao Women's Commission; at Ms. Amina Rasul-Bernardo, director ng Philippine Council on Islam and Democracy.

Tinukoy rin ng grupo ang mga nagawa ng news organization na Mindanao News and Information Cooperative Center o MindaNews partikular ang tulong nito na matalakay ang mga isyu sa Mindanao at pagsisikap na mabigyan ng kaalaman ang mga taga-Mindanao hinggil sa kapayapaan.

Kinilala rin ng grupo ang Bishop-Ulama sa walang humpay nitong pagsasagawa ng mga diyalogo na nakatuon sa pagkamit ng respeto, pang-uunawa, pagkakaisa at kapayapaan sa Mindanao.

Maliban sa mga tinaguriang "peace champions " kinilala din ng ACT for peace ang naiambag ng may labintatlo pang indibidwal, grupo at institusyon bilang partners ng programa sa misyon na makamit ang kapayapaan sa Southern Philippines.

Tinutulungan ng ACT for Peace Programme ang pagbabago sa may dalawang daan pitumpu't walong (278) conflict-affected at conflict vulnerable barangays sa Southern Mindanao. Tinutulungan din ng programa ang may animnapung "schools for peace."

Ang ACT for Peace ay pinatutupad ng Mindanao Development Authority (MinDA) sa pakikipagtulungan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Government. Sinusuportahan ang programa ng mga pamahalaan ng Australia, New Zealand, Spain at European Union. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Otoridad motabang sa imbestigasyon sa kalapasan sa tawhanong katungod
»Tagalog News: PNOY ginawaran ng parangal ang electric cooperatives na naging bahagi ng Task Force Kapatid
»Tagalog News: Malakanyang kumpyansa na mapipirmahan ni Pangulong Aquino ang 2011 national budget bago matapos ang taon
»PNoy cites Task Force Kapatid volunteer coops
»Palace congratulates Donaire for his victory over Sidorenko
»PRO1 aims for COPS 2011
»Commentary: CCT at work
»Waray-Waray News: Palasyo ikinalipay an bag-o nga travel advisories
»Waray-Waray News: Mga bag-o nga opisyal han DOT, IBP iginpublikar han Palasyo
»Waray-Waray News: Palasyo ginlamano hi Donaire kontra kan Sidorenko
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines