Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/12/06

Tagalog News: Alcala hiniling sa Taiwanese investor na panatilihin ang hybrid corn demo farm sa Gensan

Koronadal City (6 December) -- Iminungkahi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala sa mga bumisitang Taiwanese investors kamakailan na panatilihin nila ang kanilang hybrid-corn demonstration farm sa General Santos City.

Ito ang sagot ni Alcala nang hilingin ni Donald C.T, Lee, kinatawan ng Taipei Economic and Cultural Office sa Manila, ang kanyang opinyon hinggil sa planong ilipat ang kanilang hydrid corn demo-farms sa Gensan.

Paliwanag ni Alcala pinagsisikapan ngayon ng DA ang pagpapalakas ng produksyon sa yellow corn para sa animal feeds at white corn para punan ang kakulangan sa bigas na pangunahing pagkain ng mga Pilipino pati na rin ang pagtatayo ng mga kinakailangan rice and corn postharvest facilities.

Sa halip umano, magdagdag na lang ang mga Taiwanese ng hybrid corn demo farms sa ibang lugar tulad ng Southern Luzon State University sa Quezon at dalawa pang agricultural schools sa bansa na may malawak na taniman ng mais.

Ang grupo ng Taiwanese investors ay bumisita sa Pilipinas para tingnan ang posibilidad ng agriculture at fishery cooperation sa pagitan ng dalawang bansa, kabilang ang kooperasyon sa pagtatayo ng agribusiness enterprises at mariculture parks, at palitan ng mga eksperto at kaalaman. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Otoridad motabang sa imbestigasyon sa kalapasan sa tawhanong katungod
»Tagalog News: PNOY ginawaran ng parangal ang electric cooperatives na naging bahagi ng Task Force Kapatid
»Tagalog News: Malakanyang kumpyansa na mapipirmahan ni Pangulong Aquino ang 2011 national budget bago matapos ang taon
»PNoy cites Task Force Kapatid volunteer coops
»Palace congratulates Donaire for his victory over Sidorenko
»PRO1 aims for COPS 2011
»Commentary: CCT at work
»Waray-Waray News: Palasyo ikinalipay an bag-o nga travel advisories
»Waray-Waray News: Mga bag-o nga opisyal han DOT, IBP iginpublikar han Palasyo
»Waray-Waray News: Palasyo ginlamano hi Donaire kontra kan Sidorenko
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines