Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/12/06

Tagalog News: Galing Bikolnon naipamalas muli sa CE at Midwifery board exam

by MA Loterte and NI Mediavillo

Legazpi City (6 December) -- Muling namayagpag ang galing ng mga mag-aaral na Bikolano matapos makuha ang 2nd, 4th, at 5th top place sa katatapos pa lang na board examination sa Civil Engineering.

Si Melito Andrew Doma Daro ng Sorsogon State College sa Sorsogon City ang nakakuha ng pangalawang pinakamataas na grading 96.30%, pumang-apat naman si John Francis Pili Manila ng Bicol University sa Legazpi City na nakakuha ng rating na 94.90%, samantalang panglima naman si Russel Benosa Herno ng Sorsogon State College may rating na 94.75%.

Ayon kay Dr. Elenita Tan, regional director ng Professional Regulation Commission (PRC) Bicol, ang karamihan sa mga state universities at colleges sa bansa ay nakapasok sa top ten, bagamat mayroon rin mga private schools.

Dagdag pa ni Tan, nangunguna pa rin ang University of the Philippines (UP) Diliman ang top performing civil engineering schools sa bansa na may passing percentage na 95%. Sa kabuuang examinees na 60, 57 dito ang pumasa.

Pangalawa sa UP diliman, ang University of Santo Tomas (UST) may passing percentage na 83.96%, sa examinees na 106 ang pumasa ay 89.

Sinabi pa ni Tan na nakapasok din sa mga performing schools sa bansa ang Bicol University, Sorsogon state College, Camarines Sur Polytechnic College, at Ateneo de Naga, na pawang mga nasa Bicol.

Samantala, idinagdag rin ni Tan na nanguna naman ang Catanduanes State College sa Midwifery Exam sa buong bansa, na umabot ang passing percentage sa 91.84% at apat sa mga estudyante nito ang napasok sa top ten. (PIA V Albay/RnB) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Otoridad motabang sa imbestigasyon sa kalapasan sa tawhanong katungod
»Tagalog News: PNOY ginawaran ng parangal ang electric cooperatives na naging bahagi ng Task Force Kapatid
»Tagalog News: Malakanyang kumpyansa na mapipirmahan ni Pangulong Aquino ang 2011 national budget bago matapos ang taon
»PNoy cites Task Force Kapatid volunteer coops
»Palace congratulates Donaire for his victory over Sidorenko
»PRO1 aims for COPS 2011
»Commentary: CCT at work
»Waray-Waray News: Palasyo ikinalipay an bag-o nga travel advisories
»Waray-Waray News: Mga bag-o nga opisyal han DOT, IBP iginpublikar han Palasyo
»Waray-Waray News: Palasyo ginlamano hi Donaire kontra kan Sidorenko
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines