Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 24 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/12/09

Tagalog News: CHED Commissioner hinamon ang bagong graduates ng MSU na maging ahente ng pagbabago

Islamic City Of Marawi (09 December) -- Hinamon ni Commission on Higher Education Commissioner Dr. Luningning Umar ang mga bagong nagsipagtapos na mga mag-aaral ng Mindanao State University na maging ahente ng pagbabago.

Sinabi ito ni Umar sa harap ng mahigit walong daang graduating students, mga magulang, MSU faculty and staff sa ginanap na ika-apatnapo't anim na Commencement Exercises ng MSU dito kaninang umaga.

Ayon kay Umar, ang Mindanao ay nahaharap sa napakaseryosong mga paghamon tulad ng karukhaan, kamangmangan, kaguluhan, at kawalang hustisya.

Bilang MSU graduates, sila ay may kakayahang mahikayat ang taongbayan tungo sa positibong pagbabago, dagdag pa niya.

Tiwala naman si Umar na kayang isagawa ito ng mga bagong graduates dahil sa klase ng edukasyong itinuturo ng MSU sa mga mag-aaral nito.

Ipinahayag din niya ang kanyang hangarin na hindi lamang sa pera itutuon ng mga bagong graduates ang kanilang mga pagsisikap sa buhay.

Sana bigyan din nila ng pantay na kahalagahan ang paglilingkod bayan, pagmamahal sa Panginoon, pamilya, mga kaibigan, kababayan, at bansa, dagdag pa ni Umar.

Si Umar ay kumatawan kay CHED Chairperson Dr. Patricia Licuanan na siyang commencement speaker sana sa nasabing okasyon.

Ang nasabing 46th Commencement Exercises ng MSU ay pinangunahan ni MSU System President Dr. Macapado Muslim at iba pang opisyales na unibersidad.

Ang tema ng nasabing okasyon ay "MSU Graduates: Global Agents Sustaining Academic Excellence, Peace and Development". (Bobby Ilupa/PBS-DXSO Radyo ng Bayan Marawi) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOLE naglaan ng hotlines para sumbongan ng employers na hindi magbibigay ng 13th month pay
»Tagalog News: DOLE Secretary Baldoz muling pinayuhan ang mga kabataan na bisitahin ang career guide section ng BLE website
»Statement of Sen. Drilon on SC decision on EO 1
»Inflation rate within 2010 target; price changes in food, clothing ease in November
»Barangays to hold assembly day on Saturday; officials to recite good governance pledge
»Four NPA rebels killed in Comval clash
»Gov't troops score anew; wounded NPA rebel rescued
»Barangay Assembly Day set on December 11
»DSWD warns: No one is authorized to collect money from 4Ps beneficiaries
»NFA explains price increase on rice
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines