Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/12/13

Tagalog News: Kauna-unahang Nationwide Barangay Assembly Day sa administrasyong Aquino idinaos

Manila (13 December) -- Idinaos noong Sabado ang kauna-unahang Nationwide Barangay Assembly Day sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Sa assembly, iniulat ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ng kapitan ang current state of development at financial status ng barangay at maging ang kanilang mga plano at programa sa kabuuan ng kanilang tatlong taong termino.

Ipinaliwanag din nila ang mga gagawing hakbang upang makamit ang transparency at accountability sa lahat ng transaksyon ng barangay

Nagsilbing highlight ng assembly ang pagsambit ng mga opisyal ng "Panunumpa Para sa Mabuting Pamamahala Tungo sa Tuwid na Landas".

Sa kanyang mensahe sa naganap na Nationwide Barangay Assembly Day, hinakayat ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga opisyal ng 42 libong barangay sa buong kapuluan na isulong ang mabuting pamamahala, isantabi na ang mga nakasanayang katiwalian at baguhin ang humaharang sa pag-unlad.

Inihalimbawa ng Chief Executive na kung may balak magnegosyo at kailangan ang barangay clearance, huwag ng pahirapan at alisin na ang mga dokumentong hinihingi kung hindi naman mahalaga.

Dagdag pa ni PNOY na "kung walang tiwali sa barangay ay walang maghihirap na kabarangay." (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Aquino lauds first Barangay Assembly Day
»PNoy to DAR: Do what is right with Hacienda Luisita
»Tagalog News: Kauna-unahang Nationwide Barangay Assembly Day sa administrasyong Aquino idinaos
»Tagalog News: Malakanyang inanunsyo na ang mga holiday ngayong Kapaskuhan
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines