Tagalog News: Mga kasunduan sa 12th ASEAN AT 3RD EAGA summit makakatulong sa Mindanao
Koronadal City (18 January) -- Karamihan sa mga kasunduang pinirmahan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ng mga ASEAN leaders sa katatapos lamang na summit sa Cebu City, ay malaki ang maitutulong para sa Mindanao, pahayag ni Mindanao Economic Development Council (MEDCO) chair Virgilio "Ley" Leyretana.
Naniniwala si Leyretana na malaking benepisyo ang magiging dala ng mga napirmahang kasunduan para sa buong rehiyon ng Mindanao dahil sa availability ng mas maraming resources sa Mindanao.
Inihayag rin ni Leyretana na inuumpisahan na ng kanayang tanggapan ang masusing konsusltasyon sa mga local government units sa buong Mindanao upang makabuong prgramang tutugon sa mga napirmahang Kasunduan. (ac agad/PIA 12) [top]