Komentaryo: Suporta ng Malakanyang sa ChaCha
by Rose B. Palacio
Davao City (3 October) -- Muling nanawagan ang Administrasyong Arroyo sa mga tao na suportahan ang pag-amiyenda sa Saligang Batas tulad ng suportang ibinibigay ng gobyerno para sa implementasyon nito at lubusang magkaroon ng "overhaul" o pagbabago sa sistema ng gobyerno.
Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na maliban sa political reforms, binibigyang-halaga din ni Pangulong Arroyo ang pagsakatuparan ng mega regions sa buong bansa upang magkaroon ng empowerment ang mga local na pamahalaan o local government units.
Pinaplano din ng Administrasyon na magsagawa ng sariling energy exploration program upang mabawasan ang paghihirap ng tao dala ng oil crisis at maiwasan ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin, ani Bunye.
Term extension para sa mga Congressmen, patatagalin?
Pinaplano umano ng mga house of representativeds na magkaroon ng sila ng term extension ng kanilang mga tanggapan (at least six months) kung sila'y magtatagumpay sa pag-amiyenda ng Saligang Batas nang walang partisipasyon ang Senado.
Ang six-month extension of office ay nakalagay sa Resolution 1285 na nag-proposed ng package of amendments.
Ang Resolution 1285 ay pinangunahan ni Surigao Congressman Prospero Pichay Jr. at sumusuporta din sa Resolution 1230 na pinangunahan din ni Cagayan de Oro Congressman Constantino Jaraula.
Ang Resolution ni Congressman Pichay ay nag-e-extend ng hindi lamang sa Office of the House of Representatives, kundi kabilang na ang governors, mayors at ibang local officials at maaaring ang 12 senators na nahalal noong 2001. (PIA) [top]